^

Kutob

Pebrero 7, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang oportunidad ay kaloob na laan sa tamang pagkakataon. Kaya magtiwala dahil ang plano ng Dios ay laging pinakamabuti para sa iyo. 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Magiging masigla dahil sa dulot ng pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at pakiramdam. Sa negosyo, magiging matumal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 40, 42 at Red Rose.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Iwasan ang lumagda sa anumang mahalagang papeles o kontrata na hindi nauunawaang mabuti. Huwag pilitin ang sarili kung may dudang papasok sa isipan at tiyak kapahamakan ang mangyayari. Ipagpaliban ang anumang binabalak na pagbabago sa pamamahay, opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 31, 41 at Emerald Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang desisyong gagawin ay may bungang pipitasin. Malakas ang angking ESP kaya anuman ang kutob ay dapat isagawa. Huwag basta magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong tiwala dahil hindi mababayaran. May magandang balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 37, 40 at Electric Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Iwasan na mag-init ang ulo para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o basag-ulo. Ang bawat taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Maaa­ring makatagpo ng sasalungat sa gusto o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ang 1, 21, 29, 33 at Green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung itutuloy ang paglalakbay may malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan ngayon. Iwasan ang pamamasyal. Iwasan ang makipag-date at tiyak na magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 27, 38 at Yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Kung magmumukmok at mag-iisip na hindi kikilos ay walang mapapala. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at kalakip ang sipag at tiyaga. Tiyakin sa malinis na paraan nanggagaling ang araw-araw na kinakain. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 35, 41 at Indigo.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Habang may buhay, may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makakamit ang minimithi. Ang aanihin ng katamaran ay kahirapan. Dapat simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 28, 33 at Jade Green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maaaring makakakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon sa sosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala na maaaring magkaroon ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 31, 34, 36 at Shocking Pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang makukulit at mapagbirong mga tao dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali, na handang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng katamlayan. Iwasan ang mangako at tiyak walang katuparan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 25, 33 at White.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang kabutihang nagawa ay may  gantimpala ngayon. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak, kapatid o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong tungkol sa pag-aaral o suliranin sa pag-ibig. Magiging magaan ang tulong kung buong pusong ipagkaloob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 37, 42 at Sun Yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang sinumang magbenta o manghingi ng tulong ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at madaling malalapitan ka ng kahit sino ngunit ingat at baka maloko. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Ano man ang gawin, ang desisyon ay dapat pag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 21, 32 at Jade Green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangaila­ngan nang maiwasan ang malinlang. Kasiglahan ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal na matatapos ang nasimulang trabaho. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 33, 40 at Aqua Blue.

 

COLOR

DAY

IWASAN

JADE GREEN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with