^

Kutob

Pebrero 6, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pagkilos nang may katapatapan ay nagbibigay ng kapanatagan. Kaya kung may masalita sa paligid, una­wain at huwag patulan.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) –  Ang akalang kay hirap na natakdang gawin ay madali pala kapag nasimulan. Huwag nang sayangin ang oras. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at Green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Magandang balita dahil anuman ang gawin ay tiyak na maganda ang magiging kalalabasan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 40 at Yellow Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pinakamabisang paraan na mapaglalabanan ang takot ay ang magkaroon ng positibong isipan, na kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at Jade Green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwa­ring masaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at Chocolate Brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Manatiling kalmado. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi maganda at pagkalito. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at Strawberry Red.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) –  Isang magandang balita ang matatanggap ngayon na tiyak magpapasaya sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at Burgundy.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Mapagtatanto kung gaano nagmukhang estupido nitong mga nakaraang araw dahil natakot sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at Silver.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Pairalin ang utak at hindi ang emosyon.  Bagamat mabigat ang timbang ng pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at Golden Brown.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Himala dahil marunong ka ngayon makisama at makibagay. Ang ugaling ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at Red Orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang nais gawin. Iwasan ang magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at Neon Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –Ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Tanggapin kung alam ng sarili ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at Violet.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda ng iyong araw. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at Rainbow.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

CHOCOLATE BROWN

COLOR

DAY

DISYEMBRE

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with