^

Kutob

Enero 8, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sapat ang pagpapala ng Dios para sa lahat ng mga bayarin ko.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan para manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi magi­ging abala subalit maraming mahahalagang gawain ang matatapos dahil angkin ang enerhiya ng sigla. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko. Darating ang hinihintay. Hindi maiiwasang may magselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green. 

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan o sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pang-kaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink. 

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aaruga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Iwasan ang palaging mag-init ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos para may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang balita ay nasa landas ang suwerte. Lucky numbers at color for the ay 2, 12, 33, 40 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pang-komunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumanggap kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahang ito, ano mang hirap ng gawain ay matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

LUCKY

NUMBERS

UMAAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with