^

Kutob

Agosto 3, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: salamat sa grasya ng Dios, tiyak ang pag-unlad ko.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Bagong pag-ibig ang uusbong ngunit dapat mag-ingat. Simulang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapa­liban. Walang problema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan o relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.  

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Hindi magiging abala subalit maraming mahahala­gang gawain ang matatapos dahil sa angking enerhiya at sigla. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Hindi maiiwasan na may magselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magana ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magi­ging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasan ang pala­ging mag-init ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos upang may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasam-bahay ay magbubunga ng tensyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Masaya ang pakikisa­lamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Huwag maging epokrita o masungit. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pang-komunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumanggap kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ka ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang salita ay nasa landas ng pagpapala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Magpapaimbabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapag­labanan para hindi magsisi. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan upang mapanatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano man ang hirap o bigat ng gawain ay magaang na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

LUCKY

NUMBERS

UMAAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with