^

Kutob

Marso 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Huwag ibatay sa sabi-sabi ang paniniwala, kundi sa katotohanang galing sa bibliya.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ka ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharapin na pagkakagastusan pero ang magandang balita ay nasa landas ang swerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan para hindi magsisi. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan para manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34,38 at orange.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano man ang hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Bagong pag-ibig ang uusbong ngunit dapat mag-ingat. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong  gawin ay maipagpapaliban. Walang prob­lema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan o relas­yon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Hindi magi­ging abala bagama’t maraming mahahalagang gawain na matatapos dahil sa angkin ang enerhiya ng sigla. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko ng iba. Dara­ting ang hinihintay. Hindi maiiwasan na may magselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan  o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong  kabaitan. Mag-ingat sa paglakad ng hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya  at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Iwasan ang palaging mag-init ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa pag-gastos para may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.       

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakisama ay dapat pa­iralin. Huwag maging ipokrita o masungit. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

UMAAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with