^

Kutob

Disyembre 31, 2012

Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bisperas ng bagong taong 2013. Salamat sa Amang Diyos dahil ang lahat ng nasa isip ko at pang-unawa ko ay mula sa liwanag ng banal ng espirito.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Huwag magpadala sa mungkahi ng iba at ituloy ang binabalak. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga ang labis na pagseselos ang magbibigay ng malaking problema sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20-  Pebrero 18) — Malaking pasalamat kung matutulungan ka ng isang kaibigan o kamag-anak. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal o tungkol sa suliraning pamilya na dapat bigyang halaga. Kailangan ang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan at tulungan kung kailangan. Magpasalamat sa  pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi dahil hindi tama ang iyong naiisip. Sa suliranin, hindi tama ang pagwawalang-bahala at hindi pagkilos sa paghanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Tamang panahon sa pagpapayaman ng talino at karanasan. Ang magsaliksik ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day  ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimulang mag-budget at mag-impok para may madukot kung may kakailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.  

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May mga pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.  

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukun­wari nasa tamang landas ka ng tagumpay. Maaaring may pagsubok sa kahirapan, kakapusan, relasyon o sa trabaho. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa pag-iisip ng kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang isip na angkop sa pagpaplano ng kinabukasan. Matatapos ang gawain na sinimulan na walang hadlang o abala. Lucky numbers at color for the day 2, 7, 19, 41 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng solusyon. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon, kaya maghanda. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Ang payong pinansiyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na maging daan para magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang pagmamadali sa pagpapasya ay ilalagay sa panganib ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Alalahanin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliraning kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig o pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

AMANG DIYOS

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

MDASH

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with