^

Kutob

I love prof

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka po? Please call me Ce­cille, 20 years old at nag-aaral ng computer science.

May boyfriend ako pero nakipag-break ako sa kanya. Ang dahilan, pilit kong hinahanap sa kanya ang katangian ng aming professor.

Mula nang maging teacher ko ang professor na ito ay na-in love na ako. Ang problema ay may asawa na siya at dalawang anak. Isa pa, hindi naman niya ako pinapansin.

Sabi ko sa boyfriend ko, sana taglay mo ang qualities ng professor ko. Dahil doon ay nagalit siya sa akin.

Hindi ko na hinintay na i-break niya ako. Ako na ang nakipag-break sa kanya.

Ano ang gagawin ko? Parang hirap akong supilin ang nararamdaman ko sa professor ko.

Cecille

Dear Cecille,

Kahit ako ang nasa kalagayan ng boyfriend mo ay magagalit ako. Walang dalawang tao ang iisa ang ugali at katangian.

Baka labis ka lang attracted sa pro­pesor mo kaya akala mo ay very ideal person siya.

Puwes, kalimutan mo siya at baka ikaw pa ang maging dahilan ng pagkasira ng kanyang pamilya.

Tungkol sa boyfriend mo na kinalasan mo, pakaisipin mo ang mga katangian niya noon na nagustuhan mo kaya mo siya sinagot. Baka doon ay mahimasmasan ka.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DAHIL

DEAR CECILLE

DR. LOVE

ISA

KAHIT

KUMUSTA

MULA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with