Pagtitibay: Ako ang pinagpala ng Diyos.
VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) - Kung hirap noon, sagana naman ngayon. Kung panay hinanakit ang nakalipas, kaligayahan naman ngayon. Nasa itaas ka sa gulong ng buhay, dapat paghandaan ang panahon kung nasa ilalim. Lucky numbers at color of the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.
LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) - Mapalad sa larangan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makatutulong sa kaibigan na may suliranin. Huwag maniwala sa mga impormasyong matatanggap, suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ay 6, 24, 28, 34 at green.
SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) - Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyari. Isang kapwa Scorpio ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color of the day ay 3, 5, 33, 41 at maroon.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) - Masaya at maaliwalas ang mga Sagittarius. Mapapawi ang mga suliranin pangtahanan, masigla at makulay ang daigdig sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makatatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color of the day ay 18, 26, 34, 39 at peach.
CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) - Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda ng mahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang magpa-interview o pagkuha ng pagsusulit o examination. Kabigha-bighani ka at masayang makausap. Lucky numbers at color of the day ay 4, 8, 28, 30 at blue.
AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) - May sagabal sa binabalak sa pagtatapat ng saloobin. May matutuklasan na ikagagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa trabaho o tahanan ang magbibigay tamlay. Lucky numbers at color of the day ay 5, 10, 14, 22 at red.
PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Babatakin ka ng galamay ng tukso. Pag-isipan muna kung nakakabuti o nakakasama ang gagawin bago pumalaot. Kung hindi mag-iingat, mapapasubo o mapapahamak. Lucky numbers at color of the day ay 7, 25, 40, 42 at indigo.
ARIES (Marso 21 - Abril 19) - Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan sa gabi. Lucky numbers at color of the day ay 3, 5, 22, 39 at white.
TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Sundin ang dikta ng isip at hindi ang puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka. Huwag padala sa matsismis na salita. Mapalad at maswerte sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ay 6, 11, 13, 40 at gray.
GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) - Mapamaraan at pakikibagay ang dapat pairalin. Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o gawa. Mapapalawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain isaalang-alang ang kapakanan ng kaligtasan ng iba at sarili. Lucky numbers at color of the day ay 2, 6, 20, 36 at green.
CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) - Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lakarin o gawain. Matiwasay matapos ang napagsimulan. Kung magsisimula ng negosyo, magiging maunlad. Lucky numbers at color of the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.
LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) - Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon na maglakbay sa malayo o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing isang leksyon. Malamang may matutuklasan. Lucky numbers at color of the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.