^

Kutob

Setyembre 16, 2010

- Madam Rosa -

Pagtitibay: Ako ang pinagpala ng Diyos.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) - Kung hirap noon, sagana naman ngayon. Kung panay hina­nakit ang nakalipas, kaligayahan naman ngayon. Nasa itaas ka sa gulong ng buhay, dapat paghandaan ang panahon kung nasa ilalim. Lucky numbers at color of the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) - Mapalad sa larangan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makatutulong sa kaibigan na may suli­ranin. Huwag maniwala sa mga impor­masyong matatanggap, suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) - Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyari. Isang kapwa Scorpio ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color of the day ay 3, 5, 33, 41 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) - Masaya at maaliwalas ang mga Sagittarius. Mapapawi ang mga suliranin pangta­hanan, masigla at makulay ang daigdig sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng ma­­gan­dang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makatatagpo ng bagong ka­ibigan. Lucky numbers at color of the day ay 18, 26, 34, 39 at peach.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) - Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda ng ma­ha­la­gang papeles o kontrata. Naaayon ang magpa-interview o pagkuha ng pag­susulit o examination. Kabigha-bighani ka at masayang makausap. Lucky numbers at color of the day ay 4, 8, 28, 30 at blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) - May sagabal sa binabalak sa pagtatapat ng saloobin. May matu­tuklasan na ikagagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa trabaho o tahanan ang magbibigay tamlay. Lucky numbers at color of the day ay 5, 10, 14, 22 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Babatakin ka ng galamay ng tukso. Pag-isipan muna kung nakakabuti o nakakasama ang gagawin bago pu­ma­laot. Kung hindi mag-iingat, mapapa­subo o mapapahamak. Lucky numbers at color of the day ay 7, 25, 40, 42 at indigo.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) - Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pa­iralin. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibi­gan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan sa gabi. Lucky numbers at color of the day ay 3, 5, 22, 39 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Sundin ang dikta ng isip at hindi ang puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka. Huwag padala sa matsismis na salita. Mapalad at maswerte sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ay 6, 11, 13, 40 at gray.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) - Mapamaraan at pakikibagay ang dapat pairalin. Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o gawa. Mapa­palawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain isaalang-alang ang kapa­kanan ng kaligtasan ng iba at sarili. Lucky numbers at color of the day ay 2, 6, 20, 36 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) - Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lakarin o gawain. Matiwasay matapos ang napagsimulan. Kung magsisimula ng negosyo, magiging maunlad. Lucky numbers at color of the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) - Walang sagabal kung makikipag­kasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon na maglakbay sa malayo o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing isang leksyon. Malamang may matutuk­lasan. Lucky numbers at color of the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

HUWAG

LUCKY

NAAAYON

NUMBERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with