Abril 23, 2009
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) - May pagkakataon na ang tahanan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang nakita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at gold.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) - Huwag magmadali at hintayin ang tamang oras o pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na magbabago ngunit mahihirapan ka na ipaliwanag sa kinauukulan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at old rose.
CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) - Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso dahil maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Bad news, mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magseselos. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.
LEO (Hulyo 23-Ago. 22) - Magandang balita dahil magiging malakas ang tiwala ng sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ang kasaganaan ng kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Malamang manghiram ng pera sa isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa anumang payo na maririnig manapa’y pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at silver.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Ang mag-relax o mamasyal ay makakatulong upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang maging pikon dahil mabilis mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban sa ibang araw dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 30 at pink.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - May mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-isipan munang mabuti at timbangin ang kabutihan na maidudulot kaysa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan upang magkaroon ng tamang guidance. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.
CAPRICORN (Dis. 22-Enero 19) - Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa damayan. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 19, 30 at dollar green.
AQUARIUS (Enero 20-Peb. 18) - Nasa mood at kasiglahan ka at handang harapin ang anuman. Magiging masayahin sa halos lahat ng kakilala at magugulat sila sa asal na iyong ipinapakita. Isang kaibigan ang malamang na magtraydor. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Alam mong tama ka subalit lalong maganda kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan ito kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan agad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.
ARIES (Mar. 21-Abril 19) - Magandang balita dahil magtatagumpay ka sa nilalakad at magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may magandang balitang matatanggap. Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.
- Latest
- Trending