^

Kutob

Pebrero 28, 2009

- Madam Rosa -

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Lumalandas patungo sa katuparan ang mga pangarap. Ang bagabag, kalungkutan o katamlayan ay napapalitan ng kaligayahan. Lucky color at numbers for the day ang 13, 26, 36 at 38 at lavander.  

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Ang hindi pagkakasundo ng mga ideya ang siyang magbibigay ng kalungkutan at katamlayan. May ilang tao na nag-iisip na gamitin ka sa pansarili nilang interes. Lucky color at numbers for the day ang orange at 13, 17, 37 at 44. 

TAURUS (Abr. 20-May. 20) - Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang suliraning bumabagabag sa sarili. May sorpresang matatanggap. Lucky color at numbers for the day ang   17, 19, 31 at 42 at ivory white.  

GEMINI (May. 21-Hun. 21) - Ang patuloy na pagsisikap ay magiging daan upang maisakatuparan ang mga binabalak. Ang anumang uri ng komunikasyon ay mahalaga ngayon. Lucky color at numbers for the day ang canary yellow at 10, 17, 25 at 29.  

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa iyong kalooban. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan ng matapat at magandang kalooban. Lucky color at numbers for the day ang mustard yellow at 6, 18, 25 at 44.  

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Malamang makilala ang isang mayamang biyudo o biyuda na mag-aalay ng pag-ibig. Lucky color at numbers for the day ang royal blue at 7, 12, 23 at 43.  

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May babalang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang sa tahanan. Lucky color at numbers for the day ang aquamarine at 15, 25, 35 at 37.  

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Hinahon at katiwasayan ng pag-iisip ang dapat ipairal. Dahil sa dami ng gawain, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit na dapat iwasan. Lucky color at numbers for the day ang yellow at    13, 15, 31 at 37.  

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre o mabulgar. Lucky color at numbers for the day ang emerald green at 10, 15, 17 at 42.  

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakikisalamuhang-sosyal. Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisimula ngayon. Lucky color at numbers for the day ang red orange at 10, 18, 28 at 40.  

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Hindi naaayon ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Iwasang mangako dahil mahihirapang isakatuparan. Lucky color at numbers for the day ang maroon at 11, 18, 22 at 40.  

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Pakinggan ang pangaral ng nakatatandang kaanak tungkol sa binabalak na negosyo. Mag-ingat at may pagkakataong makaharap ang isang taong mahirap makaunawa. Lucky color at numbers for the day ang midnight blue at 5, 15, 30 at 33.  

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IWASANG

LAWAKAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with