^

Kutob

Nobyembre 9, 2008

- Madam Rosa -

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Mali o tama, panindigan ang iyong desisyon. Maaaring makatanggap ng balita mula sa koreo, telepono o makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay. Lucky numbers at color of the day ang 12, 13, 29, 37 at brown.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismisan. Maraming makabuluhang bagay ang naghihintay na dapat gawin. Kaligayahan ang madarama sa matatapos na gawain. Lucky numbers at color of the day ang 14, -24, 25, 37 at green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, hindi makakapasok o walang magagawang trabaho. Kung makapagtrabaho naman ay magiging maikli ang pasensiya at magiging mainitin ang ulo. Kailangan ang hinahon at lawak ng pang-unawa upang malayo sa disgrasya, gulo o makasakit sa kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 13, 17, 32, 37 at indigo.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Pakiramdaman ang kutob upang hindi magkamali sa gagawin o pagdedesisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo nang maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismisan. Ang pag-aalaga sa kalusugan ay dapat bigyan ng panahon. Lucky numbers at color of the day ang 3, 8, 26, 39 at carnation pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Iwasang mangako dahil hindi ito matutupad. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat panindigan. Mapalad na transaksiyon ang darating na hindi dapat pabayaan. Walang magiging dahilan upang magkaroon ng kaabalahan sa ginagawa. Lucky numbers at color of the day ang 5, 15, 17, 27-36 at apple green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Dalawa ang mukha ng payo: May mabuti at may masama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikaping mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan o pinapasukan. Iwasang magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig at makamandag na tukso. Lucky numbers at color of the day ang 2, 4, 25, 36 at royal blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Iwasang maging matampuhin dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin. Kung taimtim ang dalangin, mapapawi ang suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa minamahal o kamag-anak. Lucky numbers at color of the day ang 16, 20, 25, 32 at emerald green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Magtatagumpay sa pagsisikap at ginagawang pagtitiyaga. Sa mga walang tiyaga at tamad, hikahos ang daranasin. Kung hangad na magtagumpay at umunlad, simulang baguhin ang ugaling pangit. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 30, 39 at red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasang magalit at madaling mag-init ang ulo. Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang matamo ang hinahangad na kaunlaran at kaginhawahan. Lucky numbers at color of the day ang 13, 17, 36, 41 at fuchsia.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Taglayin ang mahinahong pag-iisip dahil mapapasabak sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubiling ipakita ang kakayahan dahil kailangan ito ngayon. Pagod ang mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan naman ang kapalit sa matatapos na gawain. Lucky numbers at color of the day ang 19, 22, 34, 37 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Iwasang maging malikot ang isipan dahil maaaring pasukan ng di-magandang ideya. Mahigpit na disiplina ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine attraction at desire. Lucky numbers at color of the day ang 1, 3, 17, 24 at green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal kundi sa gawa at pang-unawa. Sikaping matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang minimithi kung taos-puso at malinis ang hangarin. Lucky numbers at color of the day ang 15, 20, 25, 36 at dollar green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

SIKAPING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with