^

Kutob

Nobyembre 2, 2008

- Madam Rosa -

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyayari. Isang Taurus ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Masaya at maaliwalas ang pakikipag-ugnayan sa isang Gemini. Mapapawi ang mga suliraning pantahanan. Masigla at makulay ang daigdig ng pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 18, 25, 34, 39 at peach.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Matalas ang isip ngayon. Naaayon ang paglagda ng mahalagang papeles o kontrata. Kabigha-bighani ngayon at magandang kausap. Huwag pababayaan ang kalusugan, sa halip pangalagaan ito. Lucky numbers at color of the day ang 4, 8, 23, 30 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - May sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. May matutuklasan na ikagagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa pinapasukan o tahanan ang magbibigay katamlayan sa araw. Lucky numbers at color of the day ang 5, 10, 14, 22 at red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Babatakin ng galamay ng tukso. Pag-isipang mabuti bago pumalaot kung ito’y makabubuti o makakasama. Kung hindi mag-iingat ay posibleng mapasubo o mapahamak. Lucky numbers at color of the day ang 7, 25, 40, 42 at indigo.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Isang Leo ang makapagpapainit ng iyong ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang anyaya ng mga kaibigan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan lalo sa gabi. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 22, 39 at white.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Sundin ang dikta ng isip at huwag ang galing sa puso. Iwasang maging mapusok sa pag-ibig dahil kapahamakan ang idudulot nito. Huwag padala sa matatamis na pananalita ng kausap. Lucky numbers at color of the day ang 6, 11, 13, 40 at gray.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Mapamaraan at pakikibagay ang dapat ipairal. Tiyaking walang masasaktan sa mga sasabihin o gagawin. Mapapalawak ang sirkulasyon ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain, isaalang-alang ang kapakanan ng kaligtasan ng iba at sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 20, 36 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Malamang may hindi inaasahang panauhin ang dumating sa tahanan. Walang sagabal sa lakarin o gawain. Matiwasay na matatapos ang napasimulan. Kung magsisimula ng pagnenegosyo ay magiging maunlad. Lucky numbers at color of the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon ang paglalakbay malayo man o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing isang leksiyon. Malamang may matuklasan. Lucky numbers at color of the day ang 8, 17, 20, 32 at orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Kung hirap noon, kasaganaan naman ang mararanasan ngayon. Kung panay na hinanakit ang nakalipas na araw ay kaligayahan naman ngayon ang madarama. Nasa taas ngayon ng gulong ng buhay. Paghandaan ang panahon na mapapailalim. Lucky numbers at color of the day ang 3, 5, 24, 30 at light blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Mapalad sa larangan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makatutulong sa kaibigan kung may suliranin. Huwag maniwala sa mga impormasyong matatanggap. Suriin at siyasating mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 6, 24, 28, 34 at green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

ISANG LIBRA

ISANG TAURUS

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with