Setyembre 12, 2008

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Mapapansin ang pagseselos ng minamahal o mga kaibigan. Makakamit ang suporta ng mga kasamahan sa isang proyektong isusulong. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Piliin ang mga taong makakasama. Maaaring mahatak ng kanilang negatibong enerhiya o maudyok sa gawaing hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 25, 40 at lilac.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Aksidenteng masasalubong ang dating kasuyo o kaibigan. Iwasan ang muling matukso. Mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat na masakit na ginawa mo sa kanya. Lucky numbers at color for the day 2, 13, 25, 33 at maroon.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Makakahiligan ang mga klasikal na musika at ito ay makatutulong sa depresyon at problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at yellow green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Maging alerto sa maghapon upang makaiwas sa anumang magaganap na hindi maganda. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at carnation pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Papansinin   ang pisikal na kaanyuan sa araw na ito. Huwag pansinin ang pang-aakit ng ibang tao at baka ito ang maging simula ng isang masalimuot na pangyayari sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Makahahanap ng rason upang ipagpatuloy ang naudlot na proyekto. Masayang daraan ang araw at walang sagabal o problemang magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Tutularan ng marami ang technique mo sa pag-aayos sa sarili. Kakapusin sa kinakailangang pagkakagastusan ngunit may sasagip naman. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Ang pag-iwas sa kinaiinggitang karibal ang magdudulot ng bagabag sa iyong payapang pag-iisip. Ang magkaroon ng mayayamang kaibigan ay magiging mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Aani ng suporta mula sa mga kamag-anak ng minamahal dahil sa kabaitan at pagiging maalalahanin. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Maging maingat dahil baka makalimot sa sarili dahil sa udyok ng mapanuksong damdamin. Hindi maisasakatuparan ang planong pinansyal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 24, 38 at brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Maipagbibili ang ilang ari-arian dahil sa kagipitan. Makakalimot sa mga personal na pangangailangan dahil sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

Show comments