Hulyo 12, 2008
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Hindi gaanong maganda ang pasok ng pera sa mga panahong ito. Unahin ang mga bagay na kailangan ng pamilya upang hindi magsisi sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 28, 35 at peach.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Huwag mag-init ang ulo at maging emosyonal dahil magiging abala ngayon sa pinapasukan. Maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng karamihan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) -Kagipitan sa pera ang problema ngayon subalit kung pagsisikapan at pakikiusapan ay matutugunan ng kaibigan o kaanak. Iwasan muna ang pagbili ng hindi kailangang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang hindi mapauunlakan. Unahin ang pangangailangan ng tahanan bago sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 29, 39 at jade green.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Disiplina sa sarili ang kailangan dahil magiging mainit sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng balitang makapagpapaligaya sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 22, 42 at navy blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Magiging masuwerte sa negosyo. Kung ano ang ikinasuwerte sa negosyo ay kabaligtaran naman sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Magpakahinahon. Timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol upang maiwasan ang magkamali o makapagsalita nang hindi maganda na makasasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 26, 41 at pink.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tension. Susubukan ang iyong katapatan sa trabaho kaya maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at white.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa problemang matagal nang bumabagabag at gumugulo sa kanyang isipan na dapat tanggihan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 33, 41 at strawberry pink.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Posibleng malagay sa panganib ang mga ari-arian kaya ang pag-iingat ay kailangan. Malabong magkapera lalo kung iaasa lamang sa pagsusugal o paghingi ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 17, 25 at blue gray.
TAURUS (Abr. 20-May 20) - Kung kailangan, iwasang magbigay ng komento nang walang makasagupa o hindi mapaaway. May mahalagang bagay na dapat pag-ukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 29, 34 at royal blue.
GEMINI (May 21-Hun. 21) - Nasa kamay ang sariling kapalaran. Kung seguridad sa trabaho ang pag-uusapan, ingatan ang mahalagang tungkuling ipinagkatiwala. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 37, 43 at cream.
- Latest
- Trending