Pebrero 21, 2008

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) - Walang sagabal kung makikipagkasundo ka sa iyong nakasamaan ng kalooban. Naaayon ang panahon sa iyong  maglakbay sa malayuan o mala­pitan. Ang mangyayari sa iyo sa araw na ito ay magsisilbing  isang leksiyon. Malamang may matuklasan kang lihim. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 20, 32 at orange.

ARIES:  (Mar. 21 - Abr. 19) - Huwag baguhin ang dati  mong mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa iyong inaakala ang mangyayari sa araw na ito. Isang kapwa Aries ang magbibigay sa iyo ng hinanakit. Isang Libra naman ang magbibigay ng kali­gayahan o kasiyahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat mong gawin upang magtagumpay ka sa iyong negosyo at mapalapit sa iyong mga tauhan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow. 

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) - Mapalad ka sa larangan ng pag-ibig sa araw na ito. Angkin mo ang talas ng iyong ESP na makatutulong sa pagresolba sa isang kaibi­gang may suliranin. Huwag kang maniwala sa mga impormasyong matatanggap. Suriin o siyasatin muna bago ka magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 28, 34 at green.

GEMINI: (May 21 - Hun. 21) - Matalas ang iyong isipan ngayon at naaayon sa paglagda ng mahahalagang papeles o kontrata. Bagay din sa iyo ang magpa-interview o pagkuha ng pagsusulit o examination sa araw na ito. Kabigha-bighani

Show comments