Oktubre 18, 2007
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) - Dagdagan mo ang iyong pagtitiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyasong mangyayari. Maraming pagkakamali kang magagawa ngayon kung hindi mag-iingat. Hinahon ang iyong kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 29, 34 at green.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) - Malakas ang iyong tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya, kasamahan, kaibigan o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganaan ang iyong tinatahak sa kabuhayan at pag-ibig. Maaliwalas ang buo mong araw. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 35, 36 at blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) - Malamang manghiram ng pera ang isa mong kaibigan o kamag-anak subalit dapat tanggihan dahil matatagalan bago ka mabayaran. Huwag kang magalit sa payong maririnig. Mabuting pag-aralan muna ang mga bagay bago ka magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 34, 40 at gray.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) - Magtatagumpay ka sa iyong nilalakad kung sa umaga mo gagawin. Magaan ang pasok ng pera sa iyo ngayon. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balita kang matatanggap. Maganda ang takbo ng iyong pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 29, 35 at ocean blue
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) - Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtutuunan mo ng pansin. Magiging mainitin ang iyong ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang iyong kailangan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 39 at lavander.
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) - Huwag kang magmadali. Hintayin mo ang tamang oras at pagkakataon sa gusto mong mangyari. Marami kang gustong gawing pagbabago ngunit mahihirapan kang magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gusto mong mangyari. Iwasang makipagsisihan dahil wala itong ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 1, 2, 14, 31 at light green.
ARIES: (Mar. 21 - Abr. 19) - Ang tunay na magkaibigan ay nagtutulungan at nagdadamayan sa ginhawa at kagipitan. Ngayon mo mapapatunayan ang tunay mong kaibigan. Tawag ng panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang iyong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 29, 30 at dollar green.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) - Nasa kundisyon at kasiglahan ka at handang harapin ang kahit anong gawain. Magiging masayahin ka na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa iyong asal. Isa lamang ang dahilan at ito ay pag-ibig. Mag-ingat ka dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor o magtataksil sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 22, 28 at cream.
GEMINI: (May 21 - Hun. 21) - Alam mong tama ka subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin mo ang iyong sariling suliranin dahil may kalutasan ito kung pagtutuunan mo ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang iyong binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 21, 39 at fuchsia.
CANCER: (Hun. 22 - Hul. 22) - Mag-relax o mamasyal ka dahil makakatulong itong manumbalik ang iyong enerhiya at sigla. Magiging makitid ang iyong isip kaya iwasang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 23, 35 at orange.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) - Kahit sino ang mag-anyaya ay dapat mong tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago mo lagdaan. Kung may balak kang maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya ka lamang ng panahon at nagatibo ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 15, 18, 28, 30 at pink.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) - May mag-aalok sa iyo ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan mo munang mabuti at timbangin ang kabutihang maibibigay kaysa kasalukuyan mong trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama kaya panalangin ang iyong kailangan upang magkaroon ng patnubay at tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 31, 42 at maroon.
- Latest
- Trending