The inside track
GEMINI: (May 21 - Hun. 21) - Sundin ang iyong kutob ngayon at siguradong hindi ka magkakamali sa anumang desisyon o gagawin. Anuman ang iyong gawin ay siguradong magtatagumpay. Babansagan kang masuwerte sa pag-ibig at hanapbuhay at hahangaan ka ng iyong mga kakilala’t barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 23, 39 at ivory.
CANCER: (Hun. 22 - Hul. 22) - Huwag mapikon sa mga biro sa iyo dahil gusto ka lang nilang maging masaya. Huwag mapikon o magalit. Maglaan ka ng oras para sa regular na pag-eehersisyo dahil kailangan ito ng iyong kalusugan. May darating na problema sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 26, 37 at bright blue.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) - Isang hindi inaasahang panauhin ang darating at ang hatid ay magandang balita tungkol sa inaaplayan mong trabaho o permit para makapagnegosyo. Hindi malayo ang katuparan ng iyong hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 27, 38 at navy blue.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) - Pipiliin mo munang mapag-isa sa araw na ito dahil sa taglay mong problema. Mga isyung may kinalaman sa pamilya ay hindi mawawala sa iyong isipan. Pipilitin mong maglaan ng oras upang mapag-usapan ng pamilya ang ilang problemang pantahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 26, 37 at emerald green.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) - Nasa mababa kang kalagayan ngayon pero hindi ka pa rin sumusuko na makipagsapalaran na siyang dapat. Sa kabila ng bawat kabiguan na iyong mararanasan ay ibayong tatag ng iyong loob naman ang dulot nito na siyang daan ng iyong tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 30, 42 at carrot orange.
SCORPIO: (Okt. 23 - Nob. 22) - Kung nais magtagal sa trabaho, maging palakaibigan at iwasang makisama sa taong hindi tapat. May iilang kasamahan na may balak ilaglag ka kaya mag-ingat. Isang matapat na kaibigan ang makakatulong sa iyong kasalukuyang problema. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 21, 35 at dark gray.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) - Ang mga nakaraang karanasan ay malaking tulong sa iyo upang maging mas maging matalino sa paggawa’t pagdedesisyon. Mag-ingat ka ngayon sa pagdedesisyon na may kinalaman sa pag-ibig dahil pag nagkamali ay malaking pagsisisi ang iyong aabutin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 30, 36 at light green.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) - Mag-eenjoy ka sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay kung pawang mabubuting bagay ang pag-uusapan. Iwasang makinig sa usapang panay tsismis at pawang paninira ng ibang tao ang paksa dahil ito ang makakapagpapairita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 28, 40 at violet.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) - Kung intensiyon mong mag-ipon ng pera, simulan na ngayon. May mga oras na magiging moody ka sa araw na ito. Maganda na sa gabi makipagsosyalan. Kung may okasyon ay huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 22, 34 at brown.
(PISCES: Peb. 19 - Mar. 20) - Bigyang-pansin mo ang iyong kalusugan dahil wala sa normal ang katayuan nito. Magandang araw ito para sa paglilibang kasama ang pamilya o minamahal May ilang magpapayo na magbibigay sa iyo ng saya at pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 27, 36 at orange.
ARIES: (Mar. 21 - Abr.19) - Gusto mong gumawa ng desisyon ngunit hindi mo mapagpasiyahan kung tama o mali ang gagawin. Maghanap ng pangalawang opinyon upang makatiyak na tama ang iyong gagawin. May perang darating na magagamit mo sa pamimili o pambayad ng utang. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 23, 45 at tangerine.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) - Marami kang gustong gawing pagbabago sa negosyo o sa kasalukuyang trabaho. Simulan ang anumang binabalak dahil magbubunga ng magandang resulta. Lalago pa ang iyong hanapbuhay kung patuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 29, 38 at peach.
- Latest
- Trending