^

Kutob

Marso 28, 2007

- Madam Rosa -
ARIES: (Mar. 21 - Abr. 19) - Ang mabilis lumakad kung matinik ay malalim kaya huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Iwasang makipagsisihan sa iyong kapalpakan dahil maaaring magbunga ng sama-an ng loob. Ang kapareha ay walang maitutulong dahil hindi alam kung sino ang kanyang dapat panigan. Ang pagkukulang na nagawa sa iyo ay may solusyon sa mahinahon at magandang usapan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at red.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20)
- Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon at sa ibang tao dahil ang kapareha ay magiging selosa at bibigyan ng masamang kahulugan. Hinahon sa anumang bagay ang iyong kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

GEMINI: (May. 21- Hun. 21)
- Maganda ang takbo ng pangangalakal. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balita na masasagap. Kung binata o dalaga, ang pagliliwaliw o pamamasyal ay magiging masaya. Kung may nilalakad, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CANCER: (Hun. 22 - Hul. 22)
- Ang tahanan ay mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang iyong ulo sa mga kaguluhang makikita. Linis dito at linis doon at sabayan ng mga maaanghang na parang siling labuyong salita’t parinig. Hinahon ang dapat ipairal upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at empire gold.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22)
- Magiging makitid sa iyo ang kapaligiran gayundin ang pag-iisip. Magiging pikon at madali kang magalit. Magrelax, magpahinga o mamasyal dahil makakatulong ito upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Iwasang uminom ng alak o maglasing. Iwasang magsugal. Iwasan ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23)
- Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Kung may balak maglakbay, ipagpaliban sa ibang araw. Bago lumagda sa anumang kasulatan o dokumento ay pag-aralan munang mabuti at unawain ang mga nakasaad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 30 at blue.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23)
- Huwag malito sa suhestiyon o payo. Pag-aralang mabuti ang nararapat gawin bago magdesisyon. Malamang na isang kaibigan ang manghiram ng pera subalit dapat tanggihan dahil tiyak na matatagalan bago mabayaran. Isang masugid na tagahanga o mangingibig ang magiging mapusok. Huwag magpaunlak sa kanyang paanyayang lumabas. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 20, 26 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22)
- Masigla at nakatitiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Madali kang lapitan at kung tiyak na maganda ang pakay ay maging mapagbigay. Masayahin at halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita sa iyo. Maging matulungin ka sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at white o cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21)
- Ang nakaraan na hinanakit pampersonal o sa trabaho ay mapapawi dahil mareresolba ngayon. Ang suliraning taglay ay may kalutasan. Kahit alam mong tama ka huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Kung may binabalak ay dapat simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19)
- Malamang may mag-alok ng trabaho subalit dapat pag-isipang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng napakahalagang pagdedesisyon kaya pag-aralan at ikonsulta sa higit na nakakaalam ang nararapat bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18)
- Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan makikilala at ngayon mo ito mapapatunayan. Naaayon ang panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa pag-unawa’t pagtulong. Ang pagmamahal ay hindi nakikita sa salita kundi napapatunayan sa gawa at pang-unawa. Ngayon ang panahon upang magbigay ng regalo sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20)
- Malakas ang tiwala mo sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Sa mga desisyon, gamitin ang praktikal na pamamaraan nang makasiguro ng tagumpay. Nasa tamang landas ng kasaganaan ang daloy ng kabuhayan. Walang suliranin tungkol sa pamilya o sa minamahal at maging sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

COLOR

DAY

HINAHON

IWASANG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with