^

Kutob

Nobyembre 26, 2006

- Madam Rosa -
SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) - Maaari kang maakit sa mas bata kaysa iyo dahil sa iyong magandang pakikisama at pagiging mapagbigay. Kakaibang lakas ng loob ang maipapamalas mo dahil sa bugso ng iyong bumabatang damdamin. Hindi pa sasagot ang iyong sinulatang kompanya tungkol sa iyong application. Hintayin at tiyak na sasagot. Lucky numbers at color for the day ang 7,11, 27, 31 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) -
Iindahin mo ang pananakit ng katawan na dati mong binabalewala. Mabibigyan ka pa ng dagdag na problema tungkol sa trabaho na nagkamali o hindi lubusang nagampanan. Iwaksi sa isipan ang udyok ng mapagnasang damdamin dahil magsisisi ka. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 20, 36 at navy blue.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) -
Hindi matutupad ng kausap ang kasunduan. Poot at paghihiganti ang nasa isip at damdamin mo na dapat iwasan. Walang maidudulot na mabuti ang sobrang init ng ulo at sa balak gawin. Magdasal upang magkaroon ng tamang gabay at mapalayo sa hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 17, 41 at baby pink.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) -
Malalaman mo ang kagulangan ng pinagkakatiwalaang tao at dahil dito ay sasama ang iyong loob. Makikita ng isang matalik na kaibigan ang iyong pagbabago ng ugali. May mahihiligan kang bagong uso at pamamaraan ng tamang ehersisyo o negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 28, 44 at tangerine.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) -
Huwag ilihim ang isang problema sa kanya dahil siya lamang ang makakalutas sa matagal nang hidwaan ng pamilya. Maging alerto sa maghapon upang makaiwas sa anumang magaganap na hindi maganda. Bigyang-pansin ang iyong humihinang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 39, 42 at maroon.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) -
Papansinin ang kaseksihan o kapogian mo sa araw na ito dahil sa iyong ayos. Pagnanasaan ka ng isang kapitbahay. Huwag mong pansinin ang kanyang pang-aakit at baka ito ang maging simula ng masalimuot na pangyayari sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 29, 38 at peach.

GEMINI (May. 21 - Hun. 21) -
Makakahanap ka ng rason upang ipagpatuloy ang naudlot na proyekto o pag-aaral. Lalago ang iyong isip at magkakaroon ng mapayapang konsentrasyon sa magagandang plano sa pagpapalago ng hanapbuhay. Maligayang makakapiling mo sa araw na ito ang iyong minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 28, 34 at neon green.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) -
Tutularan ng marami ang teknik mo sa pag-aayos ng sarili o negosyo. Kakapusin ka sa kailangang panggastos ngunit may sasagip sa iyong kailangan. May taglay kang bagay na makakaakit ng iyong mga tagahanga. Lucky numbers at color for the day ang 6, 34, 38, 40 at flame red.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) -
Ang pag-iwas mo sa kinaiinggitang karibal ang magdudulot sa iyo ng mapayapang isip. Ang magkaroon ng mayayamang kaibigan ay magiging mahalaga sa iyo at ito ang pagtuunan mo ng panahon. Ang hinahangad na bakasyon ay matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 29, 31, 44, 45 at strawberry red.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) -
Aani ka ng suporta mula sa mga kamag-anak ng iyong iniibig dahil sa iyong kabaitan at pagkamaalalahanin. Malalagay sa alanganing sitwasyon ang mga ari-arian kung magpapabaya kaya mag-ingat sa sunog. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ang 5, 23, 27, 35 at scarlet.

LIBRA (Set. 24 - Otk. 23) -
Maging alisto ka sa iyong masustansyang "diet" dahil lalo kang tataba kung magpapabaya. Mag-ingat dahil baka makalimot ka sa sarili dahil sa udyok ng mapanuksong damdamin at pagsisisihan mo kung mangyayari. Hindi maisasakatuparan ang planong pinansyal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 19, 33 at aquamarine.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) -
Maiisip mo ang isang napalayong minamahal at dahil dito, miss mo siyang makapiling. Huwag magsugal dahil tiyak na matatalo ka. Simulan mo na ang ehersisyong matagal mo nang gustong gawin dahil ito ang bagay sa iyong katawan at kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 24, 36 at ruby red.

vuukle comment

AANI

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

IYONG

LUCKY

NUMBERS

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with