Setyembre 4, 2006

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) - May masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o kasama ang isang Capricorn. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng isang Aries o Pisces sa mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) -
Kalituhan ang hatid ng kapwa Libra na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Sagittarius upang mapokus ang atensyon sa pag-aabroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng may pangalan na ang unang titik ay B, C o M. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) -
Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Kung mangyayari, wala sa panig ang katuwiran. Mapopokus ang pag-iisip at panahon sa pet care, general health o kung papaanong mapapaunlad ang ikabubuhay. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o Taurus sa gagawin. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla sa mga bagay na may kinalaman sa mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) -
Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera. Itagong mabuti ang mga ito. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) -
Malaki ang magiging bahagi ng isang Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Mahaharap sa pagsubok at kakailanganing timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid ang Aries at magbibigay ng aspetong legal ang Cancer. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45- at maroon.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) -
Malamang makasagupa ang isang Cancer o Leo na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro ka sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) -
Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o kapwa Pisces na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Mapopokus sa pag-iinvest, sa trabaho o may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

ARIES: (Mar. 21 - Abr.19) -
Magkakaroon ka ng maraming activities. Pagtuunan ng dobleng ingat ang anumang gagawin. Tapusin ang nasimulan bago magsimula ng panibagong gawain. Naaayon ang pakikipagsosyalan lalo na kung may affairs tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) -
Sa panahon ngayon, ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangang magplano tungkol sa katayuang pinansyal. Magplano at hagilapin ang paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o kapwa Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

GEMINI: (May 21 - Hun. 21) -
Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ka ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kahaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig o suliraning pampamilya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

CANCER: (Hun. 22 - Hul. 22) -
Kung may balak magbiyahe ng malapit o malayo, walang magiging sagabal dahil aayon ang panahon. Mauunawaan mo kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng minamahal, kasambahay o katrabaho. Mahahanapan mo ng solusyon ang problema upang manumbalik ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at jade green.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) -
Kung walang asawa, nakasentro ang pag-iisip at atensyon sa pagpaplano sa pag-aasawa o pagpapakasal. Kung may asawa, nakapokus ang pansin sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisyal na D o N. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Taurus. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

Show comments