^

Kutob

Agosto 06, 2006

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23 - Ago. 22) - Maipagbibili mo ang ilang ari-arian dahil sa kagipitan. Makakalimutan mo ang ilang bagay na dapat magawa o madala nang dahil sa problema. Kung didibdibin mo ang problema, mauuwi ito sa hinanakit at magiging daan ng isang karamdaman kaya "easy" ka lang. Lahat ng problema ay may katumbas na solusyon kung tututukan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 36, 38 at white.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) -
Isang bagay ang matutuklasan sa taong pinagkakatiwalaan na ikasasama ng iyong loob. Maging prangka at kausapin ang taong kinasasamaan ng loob. Huwag idamay ang walang kinalaman sa init ng ulo. Pag-aralan munang mabuti ang pinaplano tungkol sa solusyon ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 33, 45 at cherry red.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) -
Isang kasunduan ang hindi matutupad at may dahilan na dapat tuklasin. Huwag maging mapusok sa larangan ng pag-ibig dahil kapahamakan ang iyong aabutin at pagsisisihan ito. Madadagdagan ang iyong timbang kung walang disiplina sa pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 28, 41 at lemon green.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) -
Lalala ang iyong karamdaman at mauuwi sa sakit dahil sa pagwawalang-bahala. Madadagdagan ang iyong mabigat na load sa trabaho at dito ka mapapansin ng iyong boss o amo kung tama o mali ang iyong paraan sa pagresolba ng problema. Mag-ingat dahil nakatutok ang mga mata at pansin ng nakatataas sa iyong trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 25, 42 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) -
Magkakaroon ka na ng lakas ng loob upang ipakita at ipagtapat ang iyong matagal nang itinatagong damdamin o saloobin. Maaaring matukso ka sa isang mas bata sa iyo na hahantong sa isang relasyon at romansa. Mag-ingat dahil may pagsisisihan ka sa iyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 30, 38 at electric blue.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) -
Maaalala mo ang iyong minamahal na nasa malayong lugar. Maaari mo siyang i-text o tawagan para maibsan ang nararamdamang lungkot at pananabik. Iwasang magsugal dahil malaking pera ang maaaring maitapon o mawaldas nang walang kabuluhan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 24, 31, 39 at orange.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) -
Magkakaroon ng iskandalo dahil sa bawal na pag-ibig kung hindi aagapan ang pag-iwas. Matinding sakit ng loob ang mararamdaman na kailangang paglabanan at malagpasan dahil sa isang kabiguan. Hindi ka pababayaan ng isang malapit na kaibigan sa iyong problema. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 16, 34 at pink.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) -
Mararamdaman mo ang suporta ng iyong kapamilya sa gagawing pagbabago, gayundin ang kanilang pagmamahal sa kabila ng lahat ng iyong pagkakamali. Timbanging mabuti ang lahat ng bagay na gustong mangyari bago gawin upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 30, 36 at copper red.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) -
Mahilig ka sa mga makabagong musika at sa pakikinig nito ay nakakalimutan pansamantala ang depresyon at problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobra mong kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 34, 41 at lavender.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) -
Aksidente mong makakasalubong ang dating kasuyo, kaibigan o kamag-anak. Mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat ng ginawa mo sa kanya kaya lang ay mas mabigat ang timbang ng poot at paghihiganti na nararamdaman niya. Huwag nang pilitin ang ayaw sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 22, 38 at yellow.

GEMINI (May. 21 - Hun. 21) -
Piliin ang mga taong makakasama dahil maaaring madala ka ng kanilang negatibong enerhiya o maudyok sa kanilang gawaing hindi maganda. Kumplikado ang mag-isip tungkol sa pag-ibig ngayon kaya ibaling sa ibang makabuluhang bagay ang isip. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 27, 40 at pink.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) -
Mapapansin ng minamahal o mga kaibigan ang iyong pagseselos. Magiging sensitibo ang iyong damdamin sa ibang tao. Huwag padala sa iyong damdamin dahil ikaw ang matatalo. Makakamit mo ang suporta ng mga kasamahan sa isang proyektong isusulong. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 39, 41 at apple green.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

IYONG

LUCKY

MADADAGDAGAN

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with