^

Kutob

Hulyo 29, 2006

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23 - Ago. 22) - May sagabal sa binabalak sa pagtatapat ng saloobin dahil iiral ang pagkamahiyain. May matutuklasan kang ikakagalit mo. Magkakaroon ka ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan dahil sa iyong matutuklasan. Suliranin sa trabaho o tahanan ang magbibigay tamlay sa iyo sa hapon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 14, 22 at red.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) -
Hahatakin ka ng galamay ng tukso. Lakasan ang loob at labanan upang hindi magsisi. Pag-isipan muna kung makakabuti o makakasama ang gagawin bago pumalaot. Kung hindi mag-iingat ay mapapasubo o mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 40, 42 at indigo.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) -
Isang Leo ang makapagpapainit ng iyong ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang anyaya ng mga kaibigan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan sa gabi dahil may maghihikayat o madadala ka sa hindi magandang gagawin ng ibang mga istambay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 22, 39 at white.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) -
Sundin ang dikta ng isip at hindi ang puso. Iwasang maging mapusok sa pag-ibig dahil hindi maiiwasang mapahamak. Huwag padala sa matatamis na salita ng makakausap. Mapalad at masuwerte sa negosyo kaya samantalahin ang biyaya ng pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 13, 40 at gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) -
Mapamaraan at pakikibagay ang dapat ipairal mo ngayon sa lahat ng bagay. Tiyaking walang masasaktan sa mga salita o gawa. Mapapalawak mo ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain, isaalang-alang palagi ang kaligtasan at kapakanan ng iba at sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 20, 36 at green.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) -
Malamang may hindi inaasahan kang panauhin. Walang sagabal sa lalakarin o gagawin. Matiwasay na matatapos ang napasimulan. Kung magnenegosyo ay magiging maunlad dahil suwerte ang araw ng pagsisimula ng kahit anong negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) -
Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob, lalo na sa magkasintahan na nagkatampuhan. Naaayon ang paglalakbay sa malayo o malapit. Ang masasaksihan na pangyayari ay magsisilbing isang leksiyon o aral. Malamang may matuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 20, 32 at orange.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) -
Kung hirap noon ay masagana ngayon. Kung panay hinanakit ang nakalipas, kaligayahan ngayon. Nasa itaas ka sa gulong ng buhay at kapalaran. Dapat ay paghandaan mo ngayon kung darating ang panahon na magigipit ka. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 24, 30 at light blue.

ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) -
Mapalad ka sa larangan ng pag-ibig at hanapbuhay. Angkin mo ang talas ng pag-iisip na makakatulong sa kaibigan na may suliranin o sa pagsasaliksik ng mga makabuluhang bagay. Huwag maniwala sa mga impormasyong matatanggap o mga sabi-sabi. Suriin o siyasatin munang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 28, 34 at green.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) -
Huwag baguhin ang dating mga balak dahil magtatagumpay ka dito. Taliwas sa inaakala ang mangyayari kaya mag-ingat. Isang kapwa Taurus ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay na dapat simulang gampanan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow.

GEMINI (May 21 - Hun. 21) -
Masaya at maaliwalas ang mga Gemini ngayon. Mapapawi ang mga suliraning pantahanan gayundin sa tungkulin o trabaho. Masigla at makulay ang daigdig ng pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 34, 39 at peach.

CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) -
Matalas ang isip mo ngayon. Naaayon ang paglagda ng mahahalagang papeles o kontrata. Naaayong magpa-interview o kumuha ng pagsusulit o examination. Kabigha-bighani ka at maganda’t mahusay makipag-usap na makapagbibigay sigla. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 30 at blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

ISANG LIBRA

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with