^

Kutob

Abril 26, 2006

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May 20) – Ilang mga gawain ang matatapos nang hindi gaanong napapagod. Kung gugustuhin, maraming trabaho ang matatapos. Kailangan lamang ang disiplina sa sarili upang lalong maging produktibo. Lucky numbers at color of the day ang 15-28-35-43 at avocado green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Hindi masama ang magsaya subalit huwag kalimutang may mga responsibilidad na hindi dapat pabayaan. Mas nanaising mamasyal at magsaya kasama ang ilang kaibigan kaysa sa obligasyon sa pamilya, tahanan o pinapasukan. Lucky numbers at color of the day ang 18-26-30-37 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Anuman ang mangyari, manatiling matatag at huwag basta susuko. Magiging negatibo ngayon ang pag-iisip na kahit maganda ang hatid ng araw ay nababahala at nag-iisip ng hindi maganda. Maging positibo upang maiwasan ang di-magandang pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 2-10-24-32 at purple.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Mahihirapang sarilinin ang problema. Kung mahirapan sa pagdidesisyon, makabubuting humingi ng payo sa malapit na kaibigan kaysa pilitin ang sarili na hindi naman kaya. Bigyang-halaga ang payo ng higit na nakakaalam. Lucky numbers at color of the day ang 7-26-31-39 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Marami ang nangangarap at nagnanais sumama sa iyo para sila naman ay maging aktibo at produktibo. Naniniwala ang mga kasamahan na malaki ang magagawa bilang miyembro ng grupo. Mararamdaman ang kahalagahan ng pera o samahan. Lucky numbers at color of the day ang 21-34-40-44 at brown.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Huwag magsimula ng panibagong gawain kung hindi pa tapos ang napasimulan. Ihanda ang sarili sa problemang maaaring dumating sa pinansyal o relasyon. Tiyaking nasa maayos at mabibigyang-pansin ang mahahalagang bagay dahil maaaring malayo o mawala nang hindi inaasahan. Lucky numbers at color of the day ang 5-9-18-23 at ruby red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
May pagkakataong makasagupa ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan at malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Isang Capricorn ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 12-25-37-45 at peach.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Huwag piliting magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Humingi ng tulong. Minsan ay kailangan talaga ang tulong ng iba. Huwag sayangin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng oras. Lucky numbers at color of the day ang 2-12-24-32 at avocado green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Napakalayo ang iniisip ngayon. Dapat magpokus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi kung anu-ano ang iniisip na wala namang mangyari. Mahihirapang makapagdesisyon kung sari-sari ang laman ng isipan. Lucky numbers at color of the day ang 7-14-21-28 at maroon.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Makakabuting magmasid, makinig at pag-aralan ang mga pangyayari at saka magbigay ng komento o opinion. Huwag kaagad magbigay ng reaksyon sa mga pangyayari. Upang mapanatili ang dignidad, huwag gayahin ang iba na gumagawa ng mali. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-12-15 at sky blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Hindi matatapos ang problema kung hindi ito haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang iwasan o takasan ang suliranin. Nasa tabi lamang ang kailangang solusyon kung pagsisikapang hanapin. Lucky numbers at color of the day ang 10-22-30-45 at blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Sa ayaw o sa gusto ay kailangang simulan nang kumilos. Sapat na ang ilang araw na pamamasyal. Balik-trabaho na dapat. Oras na upang balikan ang mga naiwang gawain. Bagamat tinatamad, matutuwa kapag nakitang unti-unting natapos ang trabaho. Lucky numbers at color of the day ang 3-11-34-39 at lavender.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CAPRICORN

KUNG

LUCKY

MAHIHIRAPANG

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with