^

Kutob

Marso 29, 2006

- Madam Rosa -
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Gusto mong gumawa ng desisyon ngunit hindi makapagpasya sa tamang gawin. May perang darating na matagal nang hinihintay at magagamit sa pamimili o pambayad ng mga utang. Lucky numbers at color of the day ang 9-13-23-45 at tangerine.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Maraming gustong gawing pagbabago sa negosyo at dapat kumilos kaagad. Simulan ang binabalak dahil magbubunga ng magandang resulta. Ituloy ang pagsisikap dahil lalago pa ang hanapbuhay. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-29-38 at peach.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Pakinggan at sundin ang kutob. Siguradong hindi magkakamali. Babansagan ng marami ngayon na suwerte sa pag-ibig at hanapbuhay. Huwag magmayabang dahil babawiin ang anumang tinatamasa kung magkakamali. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-23-39 at ivory.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Huwag mapikon sa mga biro dahil gusto lang nilang maging masaya o mapikon. Maglaan ng oras para sa regular na pag-eehersisyo. May darating na problema subalit madaling mareresolba. Lucky numbers at color of the day ang 2-20-26-37 at navy blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Isang inaasahang panauhin ang darating at hatid ay magandang balita tungkol sa inaaplayang permit para makapagnegosyo. Hindi malayo ang katuparan sa hinahangad kung patuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-27-38 at navy blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Pipiliing mapag-isa sa araw na ito. Mga isyung may kinalaman sa pamilya ay hindi mawawala sa isipan. Pipiliting maglaan ng oras upang mapag-usapan ng pamilya ang ilang problemang pantahanan. Lucky numbers at color of the day ang 5-14-26-37 at emerald green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Nasa mababang kalagayan ngayon pero hindi pa rin susuko sa pakikipagsapalaran. Sa likod ng bawat kabiguan, mararanasan ay ibayong tatag ng loob na dulot nito at tama ang ginagawa. Lucky numbers at color of the day ang 4-23-30-42 at carrot orange.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Kung gustong magtagal sa pinapasukan, maging palakaibigan at tanghaling makisama nang tapat sa mga kasamahan. Isang tapat na kaibigan ang makakatulong sa tinataglay na problema. Lucky numbers at color of the day ang 3-15-21-35 at dark gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Ang mga masasamang nakaraang karanasan ay makatutulong upang maging mas matalino. Mag-ingat sa pagdidesisyon lalo ang may kinalaman sa pag-ibig. Huwag padala sa sulsol ng iba. Pakinggan ang mga nakatatanda. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-30-36 at yellow green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Mag-eenjoy sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay o kasamahan kung pawang mabubuting bagay ang pag-uusapan subalit biglang magagalit kung makakapagpanting sa tainga ang paksa. Iwasang makinig sa mga tsismis na pawang kasiraan ng ibang tao ang binabanggit. Lucky numbers at color of the day ang 2-19-28-40 at violet.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Kung intensiyon na mag-ipon ng pera, simulan ngayon. May mga oras na magiging moody sa araw na ito. Mainam sa gabi para makipagsosyalan. Lucky numbers at color of the day ang 2-14-22-34 at brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Bigyang-pansin ang kalusugan. Maganda ang araw para sa paglilibang kasama ang pamilya o kaibigan. May ilang mga magpapayo na magbibigay sa iyo ng positibong pag-iisip. Lucky numbers at color of the day ang 5-15-27-36 at orange.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PAKINGGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with