^

Kutob

Enero 26, 2006

- Madam Rosa -
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – May sagabal sa binabalak sa pagtatapat ng saloobin. May matutuklasan na ikagagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa negosyo o trabaho ang magbibigay ng katamlayan. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-14-22 at red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Babatakin ng galamay ng tukso. Pag-isipan muna kung nakakabuti o nakakasama ang gagawin bago pumalaot. Kung hindi mag-ingat, mapapasubo o mapapahamak. Lucky numbers at color of the day ang 7-25-40-42 at indigo.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat ipairal sa tuwina. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Huwag magpaabot ng gabi sa labas ng tahanan. Huwag ding padala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-22-39 at white.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Sundin ang dikta ng isip at hindi ng sa puso. Iwasang maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak lamang. Huwag padala sa matatamis na salita lalo ng bagong kakilala. Mapalad at masuwerte sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-13-40 at gray.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Mapamaraan at kahinahunan ang dapat ipairal. Tiyaking walang masasaktang damdamin sa mga salitang bibitiwan. Mapapalawak ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Sa mga gawain, isaalang-alang ang kapakanan at kaligtasan ng iba at sarili. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-20-36 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lakarin o gawain. Matiwasay na matatapos ang napasimulan. Kung magsisimula ng negosyo ay magiging maunlad. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-26-33 at beige.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Walang sagabal kung makikipagkasundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon ang paglalakbay sa malayo man o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing isang leksiyon. Malamang may matuklasan. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-20-32 at orange.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Kung hirap noon, kasaganaan naman ang mararamdaman ngayon. Kung panay hinanakit sa nakalipas na mga araw, kaligayahan naman ang kapalit nito ngayon. Nasa itaas ngayon sa gulong ng buhay. Paghandaan ang panahong mapapailalim muli rito. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-24-30 at light blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Mapalad sa larangan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makatutulong sa kaibigang may suliranin. Huwag maniwala sa mga impormasyong matatanggap. Suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 6-24-28-34 at green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyayari. Isang kapwa Scorpio ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-33-40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Masaya at maaliwalas ang araw. Mapapawi ang mga suliraning pantahanan. Masigla at makulay ang daigdig sa pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makatatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 18-26-34-39 at peach.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda sa mahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang pagpapa-interview o pagkuha ng pagsusulit o examination. Kabigha-bighani at masayang makausap. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-28-30 at blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

ISANG LIBRA

LUCKY

MALAMANG

NAAAYON

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with