^

Kutob

Disyembre 09, 2005

- Madam Rosa -
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Ngayon malalaman ang katotohanan tungkol sa pag-ibig. Pag-ingatan ang mga maseselang bagay na ikukuwento tungkol sa trabaho o pag-ibig dahil mababansagang tsismosa pag nagkataon. Lucky numbers at color of the day ang 2-19-27-35 at indigo.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging maalalahanin ang kasuyo ngayon. Isang regalo o pasalubong ang matatanggap. Isang sorpresa rin ang naghihintay sa pagdating ng isang matagal nang kakilala. Lucky numbers at color of the day ang 1-9-17-40 at lilac.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Malalagay sa alanganin ang inyong samahan kung hindi mag-iingat. Magkakaroon ng ilang alitan sa pamilya ngunit ito ay mabibigyan ng lunas sa bandang huli. Lucky numbers at color of the day ang 5-11-25-31 at avocado green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ngayon sasariwain ang mga bagay sa ginawa niya na pabor sa iyo at ang nakalimutang pagpapasalamat ay ngayon gagawin. Magiging abala sa pagkakaroon ng maraming gawain. Lucky numbers at color of the day ang 12-22-38-40 at pearl white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magdiwang sa pagdating ng magandang kapalaran. Masayahin ang isang katangian na nagustuhan ng iyong minamahal sa iyo kaya huwag magsimangot sa araw na ito. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-26-37 at magenta.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Siguraduhing magiging maganda ang suyuan ng minamahal ngayon. Kakayanin ang mga nakapapagod na hamon sa araw na ito. Huwag padala sa bugso ng damdamin. Lucky numbers at color of the day ang 1-15-29-36 at lavender.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Mag-isip ng mga oportunidad na babagay sa magandang kita. Matatanggap ang tiwalang matagal nang hinihintay mula sa katrabaho o minamahal. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-30-38 at midnight blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Idudulot ng isang tao ang bagong pagsibol ng damdamin at pag-ibig. Magigipit sa pera sa araw na ito. Mawiwili sa bagong tuklas ng siyensiya. Lucky numbers at color of the day ang 5-1-16-28 at turquoise.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Sabay kayong mangangarap ng minamahal tungkol sa maganda ninyong kinabukasan. Hindi mapapansin ang mga malliit na bagay na dating nagpapairita sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 1-12-36-41 at dollar green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Pareho ang inyong damdamin sa isa’t isa. Mabuting ipagtapat kaagad bago mawala siya sa iyo. Mawawalan ka ng pasensiya sa iyong katrabaho kaya pasensiya at unawa ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 9-16-25-36 at blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging maganda ang reaksyon ng katawan sa gamot na iinumin. Magigipit sa isang transaksiyong pinasok. Maging matalino sa pagpili ng kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 3-19-29-33 at jade green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Madamdamin ang magiging araw mo ngayon. Mababagabag ang iyong konsensiya sa mga narinig na usap-usapan. Malalampasan ang mga ito pagkalipas ng ilang oras. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-34-35 at purple.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

ISANG

LUCKY

MAGIGING

MAGIGIPIT

NGAYON

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with