^

Kutob

Setyembre 24, 2005

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng solusyon. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon kaya maghanda. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-16-32 at aqua blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na magiging daan para magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang magmadali sa pagpapasya ay maglalagay sa panganib sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 5-18-19-29 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin, kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig o pinansyal. Lucky numbers at color of the day ang 9-22-29-33 at electric blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Huwag magpadala sa mungkahi ng iba at ituloy ang binabalak. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pagsiselos ay magbibigay ng malaking problema sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color of the day ang 8-9-26-27 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Malaking pasasalamat kung matutulungan ka ng isang kaibigan o kamag-anak. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran sa itinakdang panahon. Lucky numbers at color of the day ang 3-32-39-42 at pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Ang kalusugan ay dapat bigyan ng panahon at tamang pangangalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal o suliraning pampamilya na dapat pahalagahan. Kailangang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-18-22 at dollar green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan at tulungan kung kailangan. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi dahil hindi tama ang naisip. Sa suliranin, hindi tama ang pagwalang-bahala at hindi pagkilos sa paghahanap ng paraan o solusyon. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-12-15 at turquoise.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Tamang panahon sa pagpapayaman ng talino at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-14-20 at sky blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimulang mag-budget at mag-impok upang may madukot kung may kailanganin sa hinaharap. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 3-4-20-40 at mustard yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Kung may transaksiyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May mga pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color of the day ang 1-6-19-37 at red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Maaaring may pagsubok sa kahirapan, kakapusan, relasyon o sa trabaho. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-16-34 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa pag-isip ng kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhaing isip na angkop sa pagpaplano ng kinabukasan. Matatapos ang gawaing nasimulan nang walang hadlang. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-19-41 at jade green.

vuukle comment

ABALAHIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with