^

Kutob

Agosto 11, 2005

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Maiisip ang isang malayong minamahal at dahil dito ay mami-miss siyang makapiling. Huwag magsugal at tiyak matatalo. Simulan na ang mag-ehersisyo na matagal mo nang pinagsasabing gagawin dahil ito ang bagay at napapanahon para sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-24-36 at ruby red.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Maging alisto. Maging maingat dahil baka makalimot sa sarili dahil sa udyok ng mapanuksong damdamin. Hindi maisasakatuparan ang planong pinansyal. Lucky numbers at color of the day ang 6-12-19-33 at aquamarine.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Aani ng suporta mula sa mga kamag-anak ng minamahal dahil sa kabaitan at pagkamaalalahanin. Malalagay sa isang alanganing sitwasyon ang mga ari-arian kung magpapabaya. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color of the day ang 5-23-27-35 at scarlet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang pag-iwas sa kinaiinggitang karibal ang magdudulot ng bagabag sa iyong payapang pag-iisip. Ang magkaroon ng mayayamang kaibigan ay magiging mahalaga sa iyo at siyang pagtutuunan ng pansin at panahon. Ang bakasyong hangad ay maisasagawa. Lucky numbers at color of the day ang 29-31-44-45 at strawberry pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Tutularan ng marami ang technique mo sa pag-aayos sa sarili. Kakapusin sa kinakailangang pagkakagastusan ngunit may sasagip naman. May taglay na busilak na makakaakit ng mga tagahanga. Lucky numbers at color for the day ang 6-34-38-40 at flame red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Makahahanap ng rason upang ipagpatuloy ang naudlot na proyekto. Lalago ang isip sa payapang konsentrasyon. Makakapiling ngayon ang minamahal. Masayang daraan ang araw at walang sagabal o problemang magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-28-34 at emerald green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Papansinin ngayon ang pisikal na kaanyuan sa araw na ito. Pagnanasahan ng isang kapitbahay. Huwag pansinin ang kanyang pang-aakit at baka ito ang maging simula ng isang masalimuot na pangyayari sa iyong buhay. Lucky numbers at color of the day ang 2-13-29-38 at peach.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Huwag ilihim ang isang sikreto dahil ito lamang ang makalulutas sa matagal nang hidwaan ng pamilya. Maging alerto sa maghapon upang makaiwas sa anumang magaganap na hindi maganda. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-39-42 at maroon.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Malalaman ang kakulangan ng pinagkakatiwalaang tao at dahil dito ay sasama ang loob. Makikita ng isang importanteng tao ang iyong pagbabago ng ugali. May mahihiligang bagong uso. Lucky numbers at color of the day ang 2-23-28-44 at tangerine.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Hindi matutupad ng kausap ang kasunduan. Poot at paghihiganti ang nasa isip at damdamin na dapat iwasan. Walang maidudulot na mabuti ang sobrang init ng ulo. Magdasal upang magkaroon ng tamang gabay at mapalayo sa hindi magandang pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 5-14-17-41 at baby pink.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Iindahin ang pananakit ng katawan na dati ay binabalewala. Mabibigyan ng dagdag na problema tungkol sa trabaho na malamang magkamali o hindi lubusang magampanan. Iwaksi sa isipan ang udyok ng makamundong damdamin. Lucky numbers at color of the day ang 3-15-20-36 at navy blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Maaaring maakit sa mas bata kaysa sa iyo. Kakaibang lakas ng loob ang maipapamalas dahil sa bugso ng damdamin. Hindi pa tutugon ang sinulatang kompanya tungkol sa iyong inaaplayan. Lucky numbers at color of the day ang 7-11-27-31 at aquamarine.

vuukle comment

AANI

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with