^

Kutob

Hunyo 02, 2005

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Makahahanap ng rason upang ipagpatuloy ang naudlot na proyekto o pag-aaral. Lalago ang isip sa payapang konsentrasyon. Makakapiling sa araw na ito ang minamahal. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-28-34 at apple green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Tutularan ng marami ang teknik sa pag-aayos sa sarili. Kakapusin sa kinakailangang gastusin ngunit may sasagip o tutulong sa iyo. May taglay kang busilak na puso na makakaakit ng mga tagahanga. Lucky numbers at color of the day ang 6-34-38-40 at flame red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang pag-iwas sa kinainggitang karibal ang magdudulot ng payapang pag-iisip. Ang magkaroon ng mayayamang kaibigan ay mahalaga para sa iyo. Ang bakasyong hangad ay maisasagawa. Lucky numbers at color of the day ang 29-31-44-45 at strawberry pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Aani ng suporta mula sa mga kamag-anak ng minamahal dahil sa iyong kabaitan at pagkamaalalahanin. Malalagay sa alanganing sitwasyon ang mga ari-arian kung magpapabaya. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color of the day ang 5-23-27-35 at scarlet.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging alisto sa mga kinakain. Mag-ingat dahil baka makalimot sa sarili dahil sa udyok ng mapanuksong damdamin. Hindi maisasakatuparan ang planong pinansyal. Lucky numbers at color of the day ang 6-12-19-33 at aquamarine.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Maiisip mo ang isang malayong minamahal at dahil dito ay mami-miss siya at nanaising makapiling na muli. Huwag magsugal at siguradong matatalo lamang. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Simulang mag-ehersisyo na matagal nang gustong gawin. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-24-36 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maaaring maakit sa mas bata kaysa sa iyo. Kakaibang lakas ng loob ang maipapamalas dahil sa bugso ng damdamin. Hindi pa tutugon ang sinulatang kompanya tungkol sa iyong application. Lucky numbers at color for the day ang 7-11-27-31 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Iindahin ang pananakit ng katawan na dating binabalewala. Bigyan ng atensyon at pag-ukulan ng panahon ang relasyon na maaaring masira nang dahil sa kapabayaan. Timbangin nang husto ang gagawin kung tama o mali bago umaksyon. Kung magulo ang isip at hindi alam ang gagawin, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color of the day ang 3-15-20-36 at navy blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Hindi matutupad ng kausap ang inyong napagkasunduan. Poot at paghihiganti ang nasa isip at damdamin. Walang maidudulot na buti ang sobrang init ng ulo. Magdasal upang magkaroon ng tamang gabay at mapalayo sa hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 5-14-17-41 at baby pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Malalaman ang kakulangan ng pinagkakatiwalaang tao at dahil dito ay sasama ang loob. Makikita ng isang mahalagang tao ang iyong pagbabago ng ugali. Mahihiligan ang bagong uso at pamamaraan sa pagwasto ng tamang ehersisyo. Lucky numbers at color of the day ang 2-23-28-44 at tangerine.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Huwag ilihim ang isang sikreto dahil ito lamang ang makakalutas sa matagal nang hidwaan ng pamilya. Maging alerto sa maghapon upang makaiwas sa anumang magaganap na hindi maganda. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-39-42 at maroon.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Pansinin ang kaseksihan o kaguwapuhan sa araw na ito. Pagnanasahan ng isang kapitbahay. Huwag pansinin ang kanyang pang-aakit at baka ito ang maging simula ng masalimuot na pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 2-13-29-38 at peach.

vuukle comment

AANI

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with