^

Kutob

Mayo 17, 2005

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May 20) – Kumilos lagi nang tama dahil isang bata ang umiidolo sa iyo. Huwag paasahin ang isang tao kung hindi naman siya ang nilalaman ng puso. Nais mong lumagay sa tahimik ngunit mayroong manggugulo. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-21-25 at canary yellow.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Magiging suliranin ang pinansyal. Tamang-tama lang ang mga biyayang matatanggap para sa mga pangangailangang pisikal, intelektuwal at ispiritwal. May kakaiba sa iyong ayos ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-21-36 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kausapin ang kaibigan na nakasamaan ng loob. Kung masasabihan ng puna, tanggapin ito at pag-aralang baguhin para mapabuti. Sa bahay, magkakaroon ng pagtatalo sa pera. Lucky numbers at color of the day ang 3-6-14-18 at jade green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Igagalang ng mga kasamahan ang iyong opinyon dahil alam nilang makatutulong ito. Iwasan ang mga barkada dahil magiging daan ito ng iyong kapahamakan. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-23 at scarlet.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Iwasan ang alitan tungkol sa selos. Kung may gustong sabihin, sabihin ito nang maayos. Hindi gusto ang darating na panauhin pero kailangang harapin siya nang maayos. Lucky numbers at color of the day ang 21-24-30-39 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Poproblemahin ang pag-aaway ng dalawang tao na malapit sa iyo. Matatagpuan sa araw na ito ang matagal nang hinahanap. Maging maingat sa mga ginagawa. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-25-36 at red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Huwag pairalin ang katamaran. Maraming magagawa ngayon para matulungan ang kapwa. Maaaring may magtraydor na kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 4-6-31-39 at fuschia.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Ipakita ang tunay na nararamdaman. Mahalaga ngayon ang pagtitiwala para maging maayos ang takbo ng relasyon. Makipag-usap sa isang indibidwal na matagal nang gustong makipagkita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-12-31 at indigo.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Kung may negosyo at may ka-partner, linawin ang usapan na may kinalaman sa partehan ng kita. Matagumpay na maihahatid ang mensahe para sa isang kaibigan. Lahat ng bagay ay nabibigyan ng pansin. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-28-39 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang magagandang bagay na gagawin ay magdudulot ng positibong pakinabang para sa iyo. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. May darating na hindi inaasahan. Lucky numbers at color of the day ang 8-14-15-37 at violet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Hindi sinasadyang mabibigyan ng sama ng loob ang magulang. Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula ang maayos na takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color of the day ang 7-13-27-36 at old rose.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Huwag ituloy at ipagpaliban kung anuman ang mahalagang binabalak dahil hindi ito magbubunga ng maganda. Iwasan ang makipagtalo lalo na sa pera. Iwasan din ang maging maluho sa pagkain. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-28-35 at sky blue.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IGAGALANG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with