Mayo 07, 2005

TAURUS (Abr. 20-May 20) – Lulunurin sa tuwa, galak at kaligayahan ang araw. Matutong magpahalaga sa sariling damdamin. Manalangin nang taimtim na sana’y walang katapat na kalungkutan ang tuwang nararamdaman. Lucky numbers at color of the day ang 1-12-39-40 at red.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Kung dating gawi at paraan pa rin ang gagamitin, tiyak maiiwanan ng makabagong panahon. Baguhin ang mga sistema kagaya ng mga makabagong teknolohiya, pamamaraan at patakaran upang maging mabilis ang asenso. Panahon ng pagbabago ng mga makalumang kaugalian. Lucky numbers at color of the day ang 12-22-37-39 at indigo.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Ang lihim ang magiging dahilan ng di-pagkakaunawaan. Kung may itinatagong lihim, makabubuting magpaliwanag sa mahinahong paraan. Huwag salubungin ang init ng ulo ng maaanghang na salitang maririnig. Lucky numbers at color of the day ang 4-26-36-44 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Dahil sa pag-ibig, handa kang harapin ang anumang hamong darating. Pag-ibig ang matibay mong gabay kaya ka masigla. Ngunit mag-ingat at huwag pairalin ang selos dahil sisirain ang pundasyon at haligi ng tiwala. Pag-aralan ang lahat ng bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 8-22-37-38 at jade green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Mas nanaisin na manatili sa tahanan kaysa paunlakan ang mga paanyaya. Magandang pangitain dahil kung sasama ka sa barkada, malamang may mangyaring hindi maganda. Gawaing-bahay ang makapagpapaligaya sa iyo ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-39-41 at brown.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Pakinggan ang mga sinasabi ng mga taong malapit sa puso. Ang malimit na pagpansin sa kamalian ng iba ay babansag sa iyo ng pagka-sarkastiko. Matutong humanga at magpahalaga sa mga magagandang bagay lalo na sa magandang gawa ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 14-39-42-43 at aqua blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Marahil hindi mo napapansin ngunit may indikasyon na humihina ang resistensiya at naaapektuhan ang kalusugan. Balanseng pagkain at tamang oras ng pagtulog ang dapat. Ang ehersisyo ay malaking tulong upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Iwasang padala sa emosyon. Lucky numbers at color of the day ang 22-27-32-33 at red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Ang iyong pagkamalikhain sa trabaho ay malaking kredito sa pag-asenso subalit ang iyong pagka-eksaherado ay siya namang hahatak sa iyo pababa. Kung ayaw sumobra o magkulang ang kahit na ano, pag-aralang magbalanse dahil ito ang sikreto ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 11-13-41-43 at mint green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Mapapansin na parang nilalayo mo ang iyong sarili sa ibang tao. Kung suliranin tungkol sa pag-ibig, nagkakamali dahil kailangan mo ang gabay ng higit na nakakaalam. Kung pinansyal ang kailangan, lumapit sa taong inaakalang makatutulong at hindi mapapahiya. Lucky numbers at color of the day ang 17-27-29-37 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Ang minimithi ay makakamit kung taos-pusong gagawin at hindi iiwanan hanggang hindi makita ang resulta. Ang mabilis na pagbabago ng isip sa ginagawa ay kabiguan ang matatamo. Kung hindi maligaya at wala sa isip ang ginagawa hangga’t maaga ay iwanan dahil hindi ka magtatagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-30-40 at blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Huwag isaisip ang katagang mahirap at hindi kayang gawin dahil talagang hindi ito magagawa. Kung kaya ng iba, walang dahilang hindi ito makaya. Ang positibong pag-iisip ay panatilihin sa isipan. Lucky numbers at color of the day ang 21-33-39-43 at green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Ang iyong maririnig at makikita ay sarilinin na lamang dahil kung masasabi ito sa iba ay mababansagang tsismosa. Iwasan ang tsismis dahil wala itong ibubungang mabuti. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Ingatang hindi matuyuan ng pawis ang likod. Lucky numbers at color of the day ang 4-27-33-43 at orange.

Show comments