^

Kutob

Abril 29, 2005

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May 20) – Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Maaaring may pagsubok mula sa kahirapan, kakapusan, relasyon o malamang sa trabaho ngunit mairaraos din. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-16-34 at honey yellow.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali, palpak kung sa umaga gagawin. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color of the day ang 1-6-19-37 at red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Huwag patangay sa agos ng karangyaan dahil mahihirapan lamang. Magsimulang mag-budget at mag-impok upang may madukot kung kailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 3-4-20-40 at citrine yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin, kasangkot ang ilang kasamahan o kasambahay ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig o pinansyal. Lucky numbers at color of the day ang 9-22-29-33 at electric blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba na natulungan mo noon. Magpasalamat sa suhestiyon at mungkahi dahil malaki ang tulong na maibibigay nito. Pahalagahan at pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-12-15 at turquoise.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Walang maaasahan sa iba kaya magpasalamat kung may kaibigan o kamag-anak na magbibigay sa iyo ng tulong. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan dahil walang ibubungang kabutihan. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color of the day ang 3-32-39-42 at pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Tumpak ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-14-20 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pangangalaga. Maaaring magpayo ng kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal o tungkol sa kalusugan na dapat bigyang-halaga. Kailangang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ang 5-6-18-22 at dollar green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Huwag magpapadala sa mungkahi ng iba at sariling desisyon ang sundin. Huwag mag-alinlangan sa minamahal. Sa mga dalaga o binata, ang pagseselos ang magbibigay ng malaking problema sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color of the day ang 8-9-26-27 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Ang kumplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon nang dahil sa kaibigan. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga dahil masasangkot lamang sa di-pagkakaunawaan. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-16-32 at aqua blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang nagmamadali sa pagpapasya ay maglalagay sa panganib ang sarili kaya pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 5-18-19-29 at emerald green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunalaran o ng magandang negosyo. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagpaplano ng kinabukasan. Matatapos ang gawaing nasimulan na walang hadlang o abala. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-19-41 at jade green.

vuukle comment

ABALAHIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with