^

Kutob

Setyembre 14, 2004

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Malaking pasasalamat kung matutulungan ng isang kaibigan o kaanak. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang dahil matatagalan bago mabayaran o baka hindi na rin mabayaran. Lucky numbers at color of the day ang 3-32-39-42 at pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ang mga taong malalapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na ibibigay ng iba at nakatulong noon. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Nang dahil sa suliranin, hindi tama ang pagwalambahala at hindi pagkilos sa paghahanap ng paraan. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-12-15 at turquoise.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Tama ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-14-20 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimulang mag-budget at mag-impok upang may madukot kung mangailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Ang tamang pagtitipid ay tinatawag ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-20-40 at canary yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color of the day ang 1-6-19-37 at red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ng tagumpay. Maaaring may pagsubok mula sa kahirapan, kakapusan, relasyon o malamang sa trabaho. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-16-34 at honey yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Mayaman ang guni-guni at mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa kinabukasan. Matatapos ang gawaing nasimulan na walang hadlang o abala. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-19-41 at jade green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang payo sa pinansyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad. Magkakaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang nagmamadali sa pagpapasya ay maglalagay sa panganib sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 5-18-19-29 at emerald green.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usap-usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa di-pagkakaunawaan. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-16-32 at aqua blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Huwag magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang magbibigay ng malaking problema sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color of the day ang 8-9-26-27 at fuschia.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 9-22-29-33 at electric blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pangangalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kaanak sa kalagayang pinansyal na dapat bigyang-halaga. Kailangang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Huwag padala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-18-22 at dollar green.

vuukle comment

ABALAHIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with