^

Kutob

Agosto 21, 2004

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ang suwerte ay minsan lang kumatok sa pinto at kung hindi magiging maagap ay malamang makawala. Maging handa at alerto sa anumang darating at kung inaakalang ikabubuti ito ay sunggaban kaagad at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Magiging maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color of the day ang 10-12-14-41 at blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Alam ng sarili ang masamang ugaling umiiral na kung babaguhin ay tiyak magbabago ang takbo ng buhay tungo sa kaunlaran. Maging totoo at prangka. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita at kilos. Lucky numbers at color of the day ang 5-15-19-30 at aqua blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Araw ng pangako at magiging magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang maglakbay, maglasing at magsulat, gayundin ang pakikipag-date dahil malapit ngayon sa disgrasya. Lucky numbers at color of the day ang 1-3-34-40 at yellow.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Malamang magkaroon ng bagong pag-ibig o manliligaw. Isang Leo ang magbibigay ng dahilan sa kasiyahan subalit isang Cancer naman ang magbibigay ng sakit ng ulo. Kailangang maging matatag dahil may sitwasyong susubok sa iyong katatagan. Lucky numbers at color of the day ang 9-10-23-32 at forest green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan ang tatamasahin at kung gumawa naman ng mali ay araw ngayon ng paniningil. Huwag kalimutan ang law of karma. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 13-31-39-42 at pink.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkaabalang darating. Ang anumang transaksyong gagawin ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Iwasang mangutang o magpautang. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-24-34 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Palampasin ang maririnig na salita na makakapikon o makakaasar dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang anumang mga salitang maririnig upang makaiwas sa gulo o makasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-39-41 at white.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte subalit isang Gemini naman ang magbibigay ng problema o sakit ng damdamin. Hangga’t maaari ay iwasan pansamantala ang mga kilalang Leo dahil may di-pagkakaunawaang magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-13-31 at red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututuhan. Kung isang Sagittarius o Taurus ang makasama, hindi magkakaunawaan at magkakatampuhan. Maraming magagawa at matatapos sa araw kung nag-iisa. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-18-22 at sky blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Salubungin ng matamis na ngiti ang umaga. Magiging masungit at mainitin ang ulo na dapat iwasan kung ayaw matakpan ng makapal na ulap ang araw. Malamang makapagsalita na ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-19-22 at yellow.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon ngunit huwag mabahala, sa huli, ikaw ang magwawagi lalo kung iiwasan ang mga tsismisan. Maipapakita ang paninindigan at tunay na pagkatao. Lucky numbers at color of the day ang 15-16-37-38 at light gray.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Mag-ingat sa pagkilos, pananalita at gawa upang maiwasan ang makasakit sa damdamin ng kapwa. Madaling makukuha ang gusto kung ipagtatapat sa kinauukulan. Iwasan ang magpadalus-dalos lalo sa pagdidesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 11-26-28-39 at cream.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CANCER

ISANG LEO

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with