^

Kutob

Agosto 20, 2004

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – May mga problemang darating. Kung hindi magpapadala sa emosyon, madaling mahahanapan ng solusyon. Maging matatag sa pagharap sa problema dahil talo ka kung magiging mahina sa pagharap dito. Ang lahat ay pagsubok at nasa sarili kung paanong malalampasan lahat. Lucky numbers at color of the day ang 14-19-27-41 at cream.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Harapin ang katotohanan at hanapin ang mga paraan ng pagbabago o pagtutuwid upang hindi na maulit pa. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang sitwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang nangyayari ngayon sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-19-24 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Mabisa ang pananalita ngayon lalo kung may di-nagkakaunawaan. Maaaring ikaw ang maging tulay ng pagkakabati ng nag-aaway. Mabisa rin ang komunikasyon at madaling makakumbinsi kahit na ang pinakamakulit at matigas ang ulo. Lucky numbers at color of the day ang 13-32-35-37 at red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Nasa pagitan ng tama at mali. Ang mga bagay na naiisip ngayon ay dapat pag-aralan ang mabuti at masamang resulta bago kumilos. Kung may duda, huwag ituloy dahil pagsisisihan lamang. Lalong mabuti kung hihingin ang payo ng higit na nakakaalam. Lucky numbers at color of the day ang 10-29-38-39 at orange.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Walang magiging problema tungkol sa trabaho at maging sa tahanan. Wala ring problema sa pag-ibig. Matiwasay at maaliwalas ang buong araw. Bagay ang makipagsosyalan o mamasyal. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 4-24-30-38 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Malaking epekto ang mga tao sa paligid. May makatutulong sa gumugulo sa isipan at may makapagbibigay din ng hinanakit at palaisipan. Kung makikisayaw sa saliw ng tugtugin ay magiging maligaya ang araw. Lucky numbers at color of the day ang 2-16-34-36 at fuschia pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Ang bawat pangyayari ay may dahilan. Upang hindi makapagdahilan kung bakit nahuli sa pagpasok o pagdating sa usapan, maging maagap sa takdang oras. Kung hahaluan ng tsismisan ang gawain ay mag-aaksaya ng oras at walang matatapos. Lucky numbers at color of the day ang 9-11-18-41 at white.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Kung pag-ibig o pinansyal ang gumugulo sa isipan, isaisantabi muna at harapin ang mga dapat gawin. Walang mahahagilap na tamang solusyon kung tungkol sa pag-ibig ang gumugulo sa isipan. Wala ring magpapautang kung pera ang problema. Sariling sikap ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 19-27-39-41 at ocean blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Walang nakatitiyak sa takbo ng panahon at ang tanging matibay na gabay sa bawat araw ay ang taimtim na panalangin. Huwag ibigay ang lubos na tiwala lalo na kung bagong kakilala. Huwag magbakasakali at makipagsapalaran. Tiyakin ang bawat hakbang nang walang pagsisihan. Lucky numbers at color of the day ang 7-13-37-40 at green.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Isang Leo o Libra ang makapagbibigay ng tulong o payo kung magulo ang isip dahil sa problema ng pag-ibig, pinansyal, trabaho o ibang bagay. Maging seryoso sa pagharap sa suliranin dahil hindi mariresolba ito kung hahayaan. Tiyaking maging positibo ang resulta bago kumilos. Lucky numbers at color of the day ang 12-22-29-33 at blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Malaking bagay ang magagawa kung paglalabanan ang pagkatamad. Kung aaksyunan ang pinaplano o balak, may magandang resultang matatamo. Huwag asahan ang tulong ng iba sa kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 7-22-37-41 at brown.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Nasa tamang landas ang kaunlaran kaya huwag iwasan ang napasimulan. Hangad ang tagumpay kaya dagdagan ang sipag at tiyaga. Bigyang-halaga ang mga ginagawa. Anumang hadlang ang dumating, huwag pansinin. Lucky numbers at color of the day ang 8-11-14-34 at violet.

vuukle comment

BIGYANG

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG LEO

KUNG

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with