^

Kutob

Agosto 12, 2004

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal kundi sa gawa at pag-uunawaan. Sikaping matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang minimithing pag-ibig kung taos-puso at malinis ang hangarin. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-25-36 at dollar green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa gawain o desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo nang maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismisan. Ang pag-aalaga sa kalusugan ay dapat bigyang-panahon at pansin. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-26-39 at carnation pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Dalawa ang mukha ng payo: May mabuti at may makakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikaping mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan, maging sa pinapasukan. Iwasang magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color of the day ang 2-11-25-36 at royal blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Iwasang maging matampuhin dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin. Kung taimtim ang dalangin, mapapawi ang suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa mga kaibigan o pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-15-32 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Nagtagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap at pipitasin ang matamis nitong bunga ngayon. Sa mga walang tiyaga, walang kaluwagang mararamdaman. Kung hangad ang umunlad, magandang magsimula ngayon. Iwasan ang tsismisan. Lucky numbers at color for the day ang 2-9-14-30 at red.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasang magalit at mag-init ang ulo. Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang matamo ang hinahangad kung tuloy ang magandang gawain. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-36-41 at fuschia.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Taglayin ang kahinahunan sa pag-iisip dahil mapapasabak sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubiling ipakita ang kakayahan dahil kailangan ito ngayon. Pagod ang mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan naman ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color of the day ang 9-12-30-37 at green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Iwasang maging malikot ang isipan dahil maaaring pasukan ng di-magandang ideya. Self-control ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine attraction at desire. Sa mga lalaki, magiging malakas ang masculine desire at kung walang disiplina, baka mapahamak at magsisi. Lucky numbers at color of the day ang 10-13-17-24 at apple green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal kundi sa gawa at pang-unawa. Sikaping matupad ang ipinangako sa minamahal. Mapapasakamay ang minimithing pag-ibig kung taos-puso at malinis ang hangarin. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-22-36 at dollar green.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Maaaring makatanggap ng balita mula sa koreo, telepono o makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay dahil nasa signos ngayon ang aksidente. Lucky numbers at color of the day ang 2-3-37-39 at brown.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismisan. Maraming makabuluhang bagay na naghihintay na dapat gawin. Kaligayahan ang madarama sa matatapos na mga gawain. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-25-37 at jade green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, walang matatapos sa ginagawa. Magiging maikli ang pasensya at mainitin ang ulo. Self-control, hinahon at pasensya ang kailangan upang malayo sa disgrasya o makasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-32-37 at indigo.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IWASANG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

PAG

SIKAPING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with