^

Kutob

Hulyo 5, 2004

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Susuwertihin sa itatayong negosyo kung sisimulan sa araw na ito. Gumawa nang tahimik at ipairal ang tiyaga. Makakatagpo ng mga bagong kakilala sa isang pakikisalamuhang sosyal. Iwasang masangkot sa argumento. Lucky numbers at color of the day ang 5-11-22-34 at violet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Isang Virgo ang magbibigay ng kaligayahan. Malaking pagkakataong malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban ang desisyon upang mapag-aralang mabuti ang payo. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color of the day ang 12-14-24-41 at pink.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Makabubuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Ang mga hinanakit ay mapapalitan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pang-aasar o kantiyaw. Sundin ang tibok ng puso. Lucky numbers at color of the day ang 10-20-22-39 at sky blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Malakas ang ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangan ang malawak na pakikibagay sa kasamahan lalo na sa nakatataas. Iwasang magpalalim ng gabi sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 7-14-15-19 at lavender.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Ang tinatagong sikreto ay malamang matuklasan. Ihanda ang sarili dahil susubukan ang iyong katapatan. Ang inaasahan na matagal nang hinihintay ay maaalintanang dumating. Lucky numbers at color of the day ang 4-9-11-38 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal. Pag-aralang mabuti ang dapat pagdesisyunan. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan. Magiging saksi ka sa isang pangyayaring hindi mo makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 13-24-33-39 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
May pagkakataong mapaunlad ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at laging isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Makulay at maaliwalas ang buhay-pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ang 9-36-40-45 at mustard yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Umaayon ang panahon sa pagpaplano ng paraan sa ikauunlad ng sarili o negosyo. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Malamang makadalo sa isang simpleng okasyon ng kapitbahay o kaibigan. Hindi angkop ang pakikipag-date. Lucky numbers at color of the day ang 11-19-32-38 at yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Iwasang mangako. Magandang panahon sa mga namamasukan sapagkat mailalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color of the day ang 10-18-21-39 at light green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Nasa signos ng aksidente kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Iwasang maglakbay ng malayo lalo kung tatawid-dagat ang pupuntahan. Hangga’t maaari, manatili sa loob ng tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 11-19-31-37 at red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Masaya at walang problema sa larangan ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit at baka humantong sa di-pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color of the day ang 1-17-32-40 at orange.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong makabubuti kung makukuha ang suporta ng pamilya o kasosyo sa mga binabalak. Isang kaibigan o kaanak ang may hatid balita na ikagagalak. Lucky numbers at color of the day ang 9-13-34-43 at aquamarine.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG VIRGO

IWASANG

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with