CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob at labas ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliraning sangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pampuso. Lucky numbers at color of the day ang 9-22-29-33 at electric blue.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pangangalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kaanak sa kalagayang pinansyal na dapat bigyang-halaga. Kailangang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color of the day ang 5-16-18-22 at dollar green.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Malaking pasasalamat kung matutulungan ng isang kaibigan o kaanak. Huwag ituloy ang anumang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang. Lucky numbers at color of the day ang 3-32-39-42 at pink.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay ng mga kasamahan. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi nila. Nang dahil sa problema, hindi tama ang pagwawalambahala rito. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-12-15 at turquoise.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Tama ang panahon sa pagpapayaman ng talino at karanasan. Ang pagsasaliksik sa nais malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-14-20 at sky blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula nang mag-budget at mag-impok upang may madukot kung dumating ang araw na mangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-20-40 at corn yellow.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ng proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color of the day ang 1-7-19-37 at red.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Maaaring may pagsubok sa relasyon o sa pinapasukan. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color of the day ang 1-10-16-34 at honey yellow.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan para sa kaunlaran ng buhay. Taglay ang maliwanag at malikhang isip na angkop sa pagpaplano para sa kinabukasan. Matatapos ang lahat ng gawain na nasimulan na walang hadlang o sagabal. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-19-41 at jade green.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Ang payo sa pinansyal ay isaalang-alang at pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad ngayon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang nagmamadali sa pagpapasya ay maglalagay ng panganib sa sarili. Lucky numbers at color of the day ang 5-18-19-29 at emerald green.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang araw ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa harap ng isang alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang kabuluhan at masasangkot lamang sa di-pagkakaunawaan. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-16-32 at aqua blue.