^

Kutob

Hunyo 16, 2004

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Maisasantabi pansamantala ang lovelife dahil ang pokus ngayon ay ang pinansyal na aspeto. Pinansyal ang problema kaya gagawin ang lahat ng paraan upang makamit ang kailangan. Sa suliranin, iwasan ang ilegal na gawain dahil kapahamakan ang sasapitin. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-29-38 at aqua blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong buhay ngunit huwag mabahala dahil sa huli ay magwawagi kung magpapaliwanag nang mahinahon. Iwasang magalit at maging emosyonal. Lucky numbers at color of the day ang 14-16-36-37 at light gray.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Magpakahinahon sa pagkilos, pananalita at paggawa upang maiwasang makasakit sa kapwa. Dahil sa kalituhan, makabubuting suriin at pag-aralan munang mabuti ang mga bagay na dapat gawin. Kung may mangutang, hindi dapat pagbigyan dahil matatagalan bago mabayaran. Lucky numbers at color of the day ang 9-24-28-40 at white.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Basta nasa katwiran, ipakita na may pang-gulpi-de-gulat kang itinatago dahil may ilan ang sobrang abuso na ang ginagawa sa iyo. Ang walang imik ay makabubuti ngunit hindi nangangahulugan na wala kang damdaming nasasaktan. Panindigan ang anumang ginawang desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 7-18-19-22 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Walang perpektong relasyon. Ngayon dapat iwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng minamahal dahil kung mangyayari, hahantong sa matagalang tampuhan o hiwalayan. Pairalin ang kahinahunan at haba ng pasensiya. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-39-41 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Sa dami ng mga activities, daranasin ang pagod ngunit ang kapalit ay kaligayahan dulot ng pag-ibig. Bigyang-pangangalaga at pansin ang kalusugan. Laanan ng panahon ang pagpapahinga dahil magiging mahina ang pulmon at madaling kapitan ng sipon at ubo. Lucky numbers at color of the day ang 12-13-39-42 at pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Dahil sa hangad na umunlad, hindi tamang sirain ang kapwa upang umangat. Walang makakaligtas sa prinsipyo ng karma. Hindi pa huli ang magbago. Simulan ngayon at tiyak lalandasin ang tagumpay na minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 11-14-27-34 at dollar green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Matatagpuan ang tamang solusyon sa problema tungkol sa hanapbuhay. Kung tututukan ang problema sa tahanan, tiyak may solusyong matatagpuan. Huwag ipagwalambahala ang suliranin. Lucky numbers at color of the day ang 10-13-34-39 at yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
May oras sa trabaho at paglilibang, gayundin sa pamilya. Bigyan ngayon ng sapat na panahon ang mga minamahal. Kailangan nila ang iyong kalinga at payo. Nasa tamang daan ang progreso sa buhay. Sikaping hindi lilihis ng landas. Lucky numbers at color of the day ang 2-19-23-42 at forest green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Magpapabagu-bago ang timpla ng ugali ngayon. Magpasalamat dahil kung hindi ay magiging lamang ang pag-init ng ulo dahil tiyak maraming masasaktan sa mga makakaharap sa masasakit na salita. Mabuting magtimpi dahil baka makasagupa ng katapat. Lucky numbers at color of the day ang 2-16-18-22 at sky blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte subalit ang kapwa Aries naman ang magbibigay ng hinanakit o problema. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Capricorn dahil pag may kaguluhang naganap, hahantong ito sa hindi maganda. Lucky numbers at color of the day ang 22-24-31-43 at red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Ang suwerte ay minsan lamang kumatok ng pintuan. Huwag paalpasin at malamang dumating ngayon. Maghanda kung anuman ang darating. Kung inaakalang mabuti ay sunggaban kaagad at huwag bigyan ng pagkakataong makawala. Maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color of the day ang 10-20-24-41 at blue.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

ISANG CANCER

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with