^

Kutob

Mayo 11, 2004

- Madam Rosa -
TAURUS (Abr. 20-May 20) – Ang magbakasakali kung maganda ang pakay ay magbubunga ng tagumpay, huwag lamang sa sugal. Naaayon ang makipagsosyalan kung may mag-aanyaya. Ang personal na kapakanan ay mahalaga subalit ngayon ang panahon upang ipakita ang kahalagahan ng pagmamahal sa magulang o kapareha. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-12-31 at mint green.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Sa pagsisikap, tiyak may maiipon at siguradong maganda ang hinaharap. Ang tamlay ng katawan ay dahil sa aktibidad ng nakaraan. Kung may tampuhan, ngayon ang pagkakataon para humingi ng tawad. Ang pakikipagbati sa nakagalit ay magdadagdag ng suwerte. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-30-39 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Isipin kung saan nagkulang upang mabigyan ng solusyon at maituwid. Naaayon ang pagbabago sa mga pagkakamaling nagawa. May sorpresang matatanggap mula sa kaanak o kaibigan. Sa pag-uwi, tiyaking nasa katinuan ang pag-iisip dahil nasa kalye ang banta ng kapahamakan. Lucky numbers at color of the day ang 8-19-26-39 at purple.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Maaaring magkaroon ng diskuntento sa kasalukuyang pinaglilingkuran. Bigyang-halaga ang tiwala sa sarili upang walang pagkakamaling magawa. Magiging maunawain at mapagbigay ang minamahal kaya samantalahin kung may hihilingin o kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 1-7-17-24 at fuschia.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Hinahon at ingat sa pakikipag-ugnayan sa mga makikitid ang isip at pang-unawa upang maiwasan ang gulo. Iwasan ang mga lasing na kaibigan o kapitbahay dahil magiging pikon ngayon at madaling magalit. Iwasang makipagtalo. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-27-34 at pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag dibdibin ang mangyayari, manapa’y magalak dahil dagdag sa magandang karanasan ang pagtuwid ng maling landas sa buhay. Huwag matakot ipagsapalaran ang kaunting naimpok kung tiyak ang paggagamitang negosyo huwag lamang sa sugal. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-26-42 at scarlet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Tungkol sa pera ang pagtatalunan ng mag-asawa o magkaibigan. Gawin kaagad ang trabaho upang matapos. May pagkakaabalahang trabaho sa dakong hapon. Ang pangako ay hindi matutupad dahil sa kaabalahan. Sa negosyo, matumal ang pasok ng pera. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-35-40 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Huwag bigyan ng pagkakataong masilipan ka ng butas ng mga taong naiinggit sa iyo. May nagdududa sa iyong katapatan. Kung nagsisinungaling, malamang matuklasan. May gantimpalang matatanggap sa mabuting nagawa. Lucky numbers at color for the day ang 86-24-39-42 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Matinding kumpitensya ang susubok sa iyong kaalaman. Pag-ibig ang magbubukas ng panibagong pag-asa. Nilalandas ang tamang daan sa kaunlaran kaya dapat ituloy ang magandang gawain. Bigyan ng panahon ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 2-17-29-31 at avocado green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung may balak buhayin ang dating pagmamahalan, nag-aaksaya lamang ng panahon. Kalimutan ang nakaraan at harapin ang kinabukasan. Isang mapalad o masuwerteng pagbabago ang maaaring dumating. Lucky numbers at color of the day ang 4-20-28-41 at maroon.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kung ang paglalakbay ay tungkol sa negosyo, magtatagumpay ito. Kung personal naman ay ipagpaliban dahil hindi maganda ang mangyayari. Huwag mangako dahil hindi ito matutupad. Lucky numbers at color of the day ang 8-15-27-41 at red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Maganda ang simula ng araw at magagampanan nang buong husay ang trabaho at obligasyon. Makatatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa nilalakad o trabaho. Maaaring masalimuot ang plano subalit magtatagumpay sa pangkalahatang aspeto kung itutuloy. Lucky numbers at color of the day ang 9-19-34-39 at white.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

MAAARING

NAAAYON

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with