GEMINI (May 21-Hun. 21) Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung kikilos at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung mag-iisip na walang ginagawa at magmumukmok. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung gugustuhin. Lucky numbers at color of the day ang 11-20-31-45 at orange.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Kasaganaan ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pagkain at pera. Maaaring walang problema at maaliwalas ang buong araw subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Masaya at masigla dahil sa pag-ibig. Tamang panahon para sa night outing o pakikipag-date. Sa pag-akyat ng ligaw, masayang sasalubungin ng iniibig at kanyang mga magulang. Huwag makinig sa mga tsismis at padadala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-36-40 at violet.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Tamang panahon upang makabawi sa pagod ng nakaraan. Kung day off, mabuting manatili sa loob ng tahanan at magpahinga. May pagkakataong madalaw ang kaanak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na problema ay may kalutasan. Ang tampuhan ng magkasintahan, magkaibigan o kaanak ay parang bulang mawawala. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Magkakaroon ng maikling paglalakbay tungkol sa trabaho, negosyo o personal. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-29-36 at light blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) May hatid suwerte ang Pisces. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya. Kung ano ang iniisip gawin, hindi dapat mag-aksaya ng panahon at oras upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 4-11-16-28 at beige.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Isang Aries o Virgo ang magbibigay ng sorpresa, kaligayahan o tulong. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung idaraos sa tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at mahal sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at yellow.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o hangarin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran. Ang hindi sukat akalaing magaganap ay mangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-26 at yellow.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may alinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon upang matiyak na buhay o patay na ang tiwala. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol. Tiyaking nasa katwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-35-42 at blue.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng may usapan. Makabubuting manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal magkaroon ng problema. Sa tahanan, may problemang dapat ayusin tungkol sa kasambahay o anak. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-32 at lavender.