Enero 31, 2004

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Iwasan ang pamamasyal lalo sa gabi upang maiwasan ang di-inaasahan. Kung nagmamaneho, dobleng ingat ang dapat. Kung may balak maglakbay, makabubuting ipagpaliban muna ito. Lucky numbers at color of the day ang 7-12-31-40 at green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng may usapan. Makabubuting manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal na magkaroon ng suliranin. Sa tahanan, may problemang dapat ayusin. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-32 at lavender.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may alinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon upang makatiyak kung buhay o patay na ang tiwala. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol ng iba. Tiyaking nasa katwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-35-42 at blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o hangarin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran ang mangyari. Ang hindi sukat akalaing mangyari ay posibleng maganap. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-26 at yellow.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Isang Aries o Virgo ang magbibigay ng sorpresa. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung sa tahanan idaraos ang selebrasyon kasama ang mga barkada at kaanak. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
May hatid na suwerte ang Pisces. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya at suwerte. Kung ano ang iniisip gawin, dapat huwag mag-aksaya ng oras upang makamit ang suwerte at minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-16-28 at beige.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Magkakaroon ng maikling paglalakbay tungkol sa trabaho, negosyo o personal. Inaayunan ng panahon ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-29-36 at light blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na suliranin ay may kalutasan. Ang tampuhan ng magkasintahan, magkaibigan o kaanak ay parang bulang mawawala. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Tama ang panahon upang makabawi sa pagod ng nakaraan. Kung day off, manatili sa tahanan at magpahinga. May pagkakataong madalaw ang ilang kaanak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Masaya at masigla dahil sa pag-ibig. Tamang panahon ang night-outing o pakikipag-date. Sa pag-akyat ng ligaw, masayang sasalubungin ng sinisinta at mga magulang. Sayang nga lamang dahil may kakapusan sa panggastos. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-36-40 at violet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Kasaganaan ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pagkain, pera o kagamitan. Maaari ring walang problema at maaliwalas ang buong araw subalit kailangang paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung kikilos at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung mag-iisip na walang ginagawa at magmumukmok. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color of the day ang 11-20-31-45 at orange.

Show comments