^

Kutob

Enero 1, 2004

- Madam Rosa -
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Ang hindi akalain ay mangyayari kung kabutihan ang paiiralin. Manalangin upang maiwasan ang masamang pangyayari. Ang magplano ngayon sa ikauunlad ay matatamo kung sasabayan ng pagkilos at pagtitiyaga. Lucky numbers at color of the day ang 4-18-27-41 at navy blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Ang tulong na kailangan ay walang hadlang na makakamit. Tutukan ang pampersonal na pangangailangan ngunit bigyang prayoridad ang pamilya nang maiwasan ang problema. Lucky numbers at color of the day ang 18-30-33-41 at yellow.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Huwag magmadaling makamit ang hinahangad at kusang darating sa tamang oras at pagkakataon. Kung patuloy ang pagsisikap, nasa tamang landas ang hinahangad. Anuman ang saloobin, dapat itong ilantad. Iwaksi ang hinanakit upang suwertehin. Lucky numbers at color of the day ang 7-19-22-30 at violet.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Matutong umunawa sa sitwasyon ng kapwa upang hindi makasakit ng kalooban. Kahit may katwiran, maging mahinahon at mapagpakumbaba tuwina nang dumaloy pa ang magandang suwerte. Ang di-inaasahang okasyon ay may pagkakataong magpabago ng landas ng buhay. Lucky numbers at color of the day ang 5-16-29-34 at white.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Magandang balita sa may positibong pananaw dahil nasa tamang landas tumatahak ang kaunlaran sa simula ng taon. Walang suliranin o sagabal sa binabalak gawin o ginagawa na. Lucky numbers at color of the day ang 8-28-37-42 at pink.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Kung may iniisip gawin, ituloy kaagad nang may makitang magandang resulta. Iwasang magbiro at pumuna dahil madadala ito sa buong taon. Simulang maging seryoso sa lahat ng bagay at tiyak may magandang pagbabago. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-29-38 at green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Biglaang pagbabago sa takbo ng buhay ang mangyayari kaya dapat maghanda. Simulang magplano sa mga gagawin at tiyak maganda ang kalalabasan. Kung tututukan ang negosyo at iiwasan ang di-magandang bisyo ay tiyak lalago ito. Lucky numbers at color of the day ang 6-16-27-40 at cream.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Kung taimtim ang panalangin, tiyak mabibigyan ng liwanag ang landas na tinatahak. Kung pangunahing suliranin ang pera, mariresolba kung malinis ang hangarin ng paggagamitan dahil malamang may tumulong. Magpakatotoo at huwag magsinungaling. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-23-37 at peach.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Maganda ang signos mo dahil walang problema at magiging masaya sa piling ng pamilya at mga kaibigan. Kaya lang dapat lawakan ang pananaw at pagsisikap upang makamit ang hinahangad. Lucky numbers at color of the day ang 3-11-30-43 at purple.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
May katapat ang lahat. Kung gumawa ng kabutihan, ngayon matatanggap ang gantimpala ngunit kung kasamaan naman ay pagbabayad ang katapat nito. Hindi sa lahat ng panahon ay makakapagtago o matatakasan ang ginawa. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-34-45 at avocado green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Huwag mangutang o magpautang lalo at unang araw ng taon dahil mahihirapan sa bayaran. Kung gustong magkaroon ng kaaway, sumige at mangutang. Bigyang-pansin ang pangangalaga ng kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 2-28-34-39 at lavender.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Kung susundin ang kutob, tiyak hindi magkakamali sa gagawing desisyon. Huwag paniwalaan ang payo o suhestiyon ng iba at baka masira ka lamang. Kung magdalawang-isip ay huwag nang ituloy dahil magsisisi lamang o kapahamakan ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-25-36 at gray.

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

SIMULANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with