CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) May susubok sa iyong pagtitimpi. Ngayon gamitin ang kahinahunan at talino. Huwag mainip sa paghihintay sa kausap at darating naman ito. Bibigyan ng kaligayahan ng isang Taurus subalit bubuwisitin ng isang Aries. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-15-30 at aquamarine.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Magkakaroon ng katunggali na susubok sa iyong kakayahan. Maaaring magkaroon ng diskuntento ang pinaglilingkuran dahil sa tsismis. Mag-ingat dahil may nagbabalak na sirain ka. Lucky numbers at color of the day ang 3-7-12-44 at white.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Nakatakdang magkaroon ng problema sa karelasyon na dapat ayusin kaagad upang hindi na lumala pa. Huwag idaan sa init ng ulo ang pagresolba ng problema. Diplomasya ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 8-18-28-38 at orange.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Pairalin ang diplomasya. Malamang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kung magiging mahinahon at maunawain, maraming hahanga sa gagawin. Lucky numbers at color of the day ang 17-27-38-41 at electric blue.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Tiyaking hindi mawawala ang tiwala ng nakatataas sa pinapasukan. Mag-ingat dahil may taong naiinggit sa tagumpay na iyong tinatamasa. Walang problema sa pinapasukan subalit magkakaroon ng gusot sa tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 5-16-22-42 at orange.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Maging daan sa pagbabati ng miyembro ng pamilya o kasamahan na nagkaroon ng di-pagkakaunawaan. Maganda ang pasok ng pananalapi. Magkakaroon ng sideline na kikita ng malaki. May kaibigang magdiriwang subalit hindi makakadalo. Lucky numbers at color of the day ang 13-19-37-45 at light blue.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Magiging magiliw at handang makiisa ang pamilya sa layunin o binabalak. Malamang magkaroon ng bagong tagahanga. May magtatangkang makialam sa trabaho o desisyon. Isang Aries ang magbibigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 2-22-30-40 at tan.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan subalit mananaig ang katamaran. Malamang makapunta ng lugar na hindi pa nararating. Kung nag-aaral, mas lamang ang mag-absent at mamasyal kaysa pumasok na dapat iwasan. Lucky numbers at color of the day ang 7-23-34-41 at oak brown.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Ang magaganap ay nasa iyong panig. Kung mag-aapply ng trabaho, malamang na matanggap kung lalakarin sa umaga. Matatapos ang lahat ng nasimulan nang walang sagabal. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-13-39 at emerald green.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi mo aakalain na siya pala ang iyong lihim na mangingibig. Pag-isipang mabuti ang pagsali sa grupo upang hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-27-35 at silver.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago ng kabahayan o pinapasukan. May balakid sa larangan ng pag-ibig ngayon. Kung may asawa, malamang pinagdududahan ng kabiyak o siya ang may nadaramang pagkaakit sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 8-28-35-39 at avocado green.