^

Kutob

Disyembre 5, 2003

- Madam Rosa -
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Aanihin ngayon ang anumang itinanim. Babalik kung ano ang ginawa. Supilin ang sobrang mapaghinala sa kapareha at kapwa. Maraming dapat pasalamatan sa biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-15-38 at violet.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Positibo ang magiging pananaw at magsisimula ang sagana at masayang araw. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Masaya ang samahan ng pamilya. Huwag kalimutan ang magpasalamat sa Diyos sa tinatamasang biyaya. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-33-43 at red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
May pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresolba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi mababayaran. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-39-44 at indigo.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Mapapatunayan na naman sa sarili na may mga taong hindi marunong tumupad sa pangako. Kung hindi makapagpipigil, makakasagupa ng taong di-pinapangarap makabangga. Maghunos-dili. Lucky numbers at color of the day ang 2-12-28-44 at white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohan at paraan lamang para ikaw ay manlamig. Ang pakikipagtikisan sa nakatataas ay sarili ang mahihirapan. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-23-36 at red.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Iwasan ang magbalak pumasok sa mga aktibidad na magastos. Mabuting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at walang pagsisihan. Mag-ingat dahil may babalang mawawalan. Lucky numbers at color of the day ang 21-24-34-40 at green.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Pagtuunan ng pansin ang kalusugan at pag-aayos ng tahanan. Isaayos at iplano ang dapat gawin. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-31-43 at brown.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan sa pinapasukan. Marami ang umaasa sa iyong magagawa na nakaatang sa balikat. Huwag matakot magsabi ng tunay na nadarama. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-21-39 at scarlet.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Doblehin ang pag-iingat at huwag basta magtiwala sa taong may B, D at N ang unang titik ng pangalan. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang taong may unang titik na A, E at M sa pangalan. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 6-18-32-45 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
May ilang pagbabago sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi pa tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o may makatutuklas nito. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-14-41 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Maisasakatuparan ang gustong mangyari ngayon. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay suwerte ang isang Virgon o Gemini. Lucky numbers at color of the day ang 2-12-28-42 at blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Magiging maganda ang aspetong pinansyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ekstrang salapi. May kaunting kalituhang mangyayari sa iyong schedule ngunit maisasaayos din ito sa bandang hapon. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-22-42 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGBIBIGAY

MAISASAKATUPARAN

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with