Nobyembre 19, 2003

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Angkop ang panahon upang makabawi ng pagod sa mga nakaraan. Kung day off, magiging masaya kung mananatili sa tahanan at magpahinga. May pagkakataong madalaw ang kaanak o kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 1-18-28-32 at gray.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung kikilos at ipaiiral ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung nag-iisip nang walang ginagawa at magmumukmok. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color of the day ang 11-20-31-45 at gray.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Sagana ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pera, pagkain o kagamitan. Maaaring walang problema at maaliwalas ang buong araw subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-23-37 at burgundy.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Upang hindi mapasubo, iwasang mapasali sa usapan ng may usapan. Makabubuting manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal magkaroon ng problema. Sa tahanan, may suliraning dapat ayusin tungkol sa kasambahay. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-21-32 at scarlet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Iwasan ang night outing o affair upang maiwasan ang hindi inaasahan. Kung nagmamaneho, dobleng ingat ang dapat. Kung may balak maglakbay, ipagpaliban muna. Lucky numbers at color of the day ang 7-12-31-40 at orange.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o hangarin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran. Ang hindi sukat akalaing mangyari ay posibleng mangyari. Lucky numbers at color of the day ang 15-17-23-26 at lavander.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may pag-aalinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon upang makatiyak. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol. Tiyaking nasa katwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color of the day ang 5-18-20-33 at oak brown.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
May hatid swerte ang Virgo. Dapat kumilos upang matamo ang biyaya ng swerte. Kung ano ang iniisip gawin, hindi na dapat mag-aksaya ng panahon at oras upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-16-28 at peach.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Isang Virgo o Capricorn ang magbibigay ng sorpresa, kaligayahan o tulong. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung idaraos sa loob ng tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at mahal sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 3-9-10-31 at electric blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alala dahil ang taglay na problema ay may kalutasan. Ang tampuhan ng magkasintahan, magkakaibigan o mag-anak ay parang bolang mawawala. Lucky numbers at color of the day ang 5-6-27-30 at maroon.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Magkakaroon ng maikling paglalakbay tungkol sa trabaho, negosyo o personal. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-29-36 at royal blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Magiging masaya at masigla dahil sa pag-ibig. Tamang panahon sa night outing o pakikipag-date. Sa pag-akyat ng ligaw, masaya kang sasalubungin ng iniibig at mga magulang. Bad news: Medyo kapos sa panggastos. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-36-40 at violet.

Show comments