^

Kutob

Nobyembre 3, 2003

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Magiging mapalad ngayon sa larangan ng pag-ibig. Angkin ang lakas ng ESP na siyang makatutulong sa isang kaibigang may malaking suliranin. Huwag agad-agad maniniwala sa mga impormasyong matatanggap at dapat muna itong suriin nang mabuti bago pagdesisyunan. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-33-40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Magiging matalas ang kaisipan sa anumang bagay. Naaayon ang paglagda sa anumang mahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang pagpapa-interview o pagkuha ng eksaminasyon. Pag-ibayuhin ang pagtitipid upang hindi kapusin ng pera. Lucky numbers at color of the day ang 4-8-26-30 at blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Magiging masaya at maaliwalas ang araw. Mapapawi ang mga suliraning pantahanan gayundin sa pinapasukan. Magiging masigla at makulay ang buhay-pag-ibig. Posibleng makatanggap ng mahalagang impormasyon. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 18-26-34-39 at peach.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Mula sa mga karanasan, iwasan ang magkamaling muli at talikdan ang galamay ng tukso. Magiging mahaba ang pasensya at ang pagkamahinahon. Mapagtitibay ang kumukupas na relasyon. Ang anumang pagbabago sa mga binabalak ay hindi napapanahon. Lucky numbers at color of the day ang 7-25-40-42 at indigo.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Maaaring may sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Nakatakdang magkaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Malulutas ang bagay na madalas gumugulo sa isipan at damdamin. Kapayapaan ng kalooban ang madarama. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-14-22 at old rose.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Sundin ang dikta ng isipan at huwag ang puso. Iwasan ang maging mapusok sa pag-ibig dahil may bantang kapahamakan. Ang pagpapakumbaba ay nagpapakita ng kagandahang-ugali. Huwag padala sa mga matatamis na salita upang maiwasan ang maloko. Magiging mapalad sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-13-40 at silver gray.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Ikaw ang maliit na nakakapuwing. Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin sa tuwina. Pasensya at pagpapatawad sa nagkasala ay tinatawag ng pagkakataon at may katapat na gantimpala mula sa Itaas. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-22-39 at white.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Mapaghinala ang minamahal kaya kaunting ingat lalo kung may itinatago. Ang tipanan sa pag-ibig ay hindi angkop. Ang kahinahunan ay dapat pamalagiin sa isipan. Isang alaala ang makapagbibigay ng kagalakan. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-26-33 at beige.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Maging mapamaraan sa lahat ng bagay at ipairal sa tuwina ang kahinahunan. Tiyaking walang masasaktan sa mga sasabihin o gagawin. Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa tao. Anuman ang gawin, dapat isaalang-alang ang kapakanan at kaligtasan. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-20-36 at green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Anuman ang binabalak gawin, huwag kalimutan ang pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap. Ang labis na pagbibigay sa kapwa ay magbubunga ng kagipitan sa sarili. Magiging magaan ang daloy ng kasaganaan at pera. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-24-30 at light blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Angkop ang makipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao at ang pagpapatawad ay maka-Diyos. Naaayon ang paglalakbay sa malayo o malapit. Kung may nararamdaman sa katawan, panahon ng pagpapahinga. Lucky numbers at color of the day ang 8-17-20-32 at orange.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Isang Capricorn ang magbibigay ng hinanakit subalit isa namang kapwa Libra ang magbibigay ng kaligayahan. Wala sa panahon para baguhin ang dating mga balak. Magiging taliwas sa inaakala ang mangyayari. Maayos at mabuting pamamahala ang dapat gawin upang magtagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 3-5-33-40 at yellow.

vuukle comment

ANUMAN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

NAAAYON

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with