^

Kutob

Oktubre 23, 2003

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – May hatid ng pakikipagsapalaran ang araw. Ang positibong pananaw sa buhay ay tamang landas sa kaunlaran. Taglayin ang kahinahunan sa anumang sitwasyon. Lucky numbers at color of the day ang 8-28-37-42 at coral pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
May hadlang sa paglalakbay at hindi dapat pilitin ang sarili. Pag-ibayuhin ang pansin sa pakikipag-ugnayan sa sulat o anumang uri ng komunikasyon. Pabagu-bago ang mga bagay na may kinalaman sa pananalapi. Lucky numbers at color of the day ang 2-25-28-36 at jade green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Huwag magmadali at matatamo na ang hinahangad. Maraming daan patungo sa tagumpay at ang pinakamabisa ay dalangin at pag-asa. Hindi napapanahon ang mapang-aliw na paglalakbay. Mabibigyang-kasiyahan ang pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 7-19-22-30 at navy blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Sundin ang kutob sa mahinahong paraan at tiyak hindi magkakamali sa anumang gagawing desisyon. May pagkasensitibo ang mga taong makakaugnay kaya hinahon at pasensya ang dapat. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-25-36 at sky blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Ibatay ang anumang aktibidad sa kakayahan ng kalusugan. May pagkasensitibo ang sikmura kaya iwasan ang maaasim at mamantikang pagkain. Nararapat lamang iwasan ang maluluhong barkada. Lucky numbers at color of the day ang 14-18-25-42 at light green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Mag-ingat sa kilos at pananalita nang walang masaktan. Huwag kalimutan ang mga bagay na makapagbibigay ginhawa sa sarili at kapareha. Naaayon ang paglilibang at pakikipagsosyalan. Lucky numbers at color of the day ang 8-20-24-32 at navy blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Ang tipanan sa pag-ibig ay magiging masaya. Handang magbigay ng tulong ang kaanak kung kakailanganin ito. Akay ka ng masuwerteng kapalaran sa negosyo. Tiyaking ang hinahangad ay kayang isakatuparan. Lucky numbers at color of the day ang 18-30-33-41 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Ang taimtim na pagdarasal ay magbibigay-linaw sa landas ng pangangailangan. Unawain ang iba. Ang pangunahing suliranin ay pera at ito ay malulusutan kung malinis ang hangarin sa paggagamitan. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-23-37 at peach.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Maging handa sa biglaang pagbabago sa takbo ng buhay. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Ang payo ng magulang ay dapat sundin. Tamang paghihigpit at disiplina ang dapat ipairal sa nakababatang kaanak. Lucky numbers at color of the day ang 6-16-25-40 at scarlet.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Matutong umunawa kahit masakit sa kalooban. Ang hindi inaasahang okasyon ang magbibigay ng magandang landas sa kaunlaran. Ipagpaliban ang pagbabago ng ayos sa bahay. Iwasan ang mga tsismisan. Lucky numbers at color of the day ang 5-16-29-34 at brown.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Matiwasay na maisasakatuparan ang mga binabalak kung kikilos kaagad at walang oras na sasayangin. Huwag basta maniwala sa payo ng iba dahil may payong lalong makakasama at mayroon ding makakabuti. Lucky numbers at color of the day ang 3-11-30-45 at purple.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Sikaping mapanatili ang harmonya sa loob ng tahanan o pinapasukan. Sundin ang bulong ng isip at damdamin. Iwasan ang maging mapagpuna nang wala sa lugar. Maipapamalas ang kakayahan at marami ang hahanga. Lucky numbers at color of the day ang 3-12-29-38 at mint green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

SUNDIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with