^

Kutob

Oktubre 5, 2003

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Pakinggan ang pangaral ng nakatatandang kapatid o kaanak sa binabalak. Huwag magpadalus-dalos sa gagawing desisyon. Ang pagsisikap ay nakatuon ngayon sa tahanan at trabaho. Mag-ingat at may pagkakataong makaharap ang isang taong mahirap makaunawa. Lucky numbers at color of the day ang 4-15-29-32 at midnight blue.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Umaayon ang araw sa gawaing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Iwasang mangako dahil mahihirapang isakatuparan ito. Lucky numbers at color of the day ang 10-17-21-39 at brown.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Sundin ang kutob at hindi magkakamali. Ang lahat ay makikiisa sa mga binabalak. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre. Ang anumang alitang magaganap sa pagitan ng minamahal ay malamang matuloy sa hiwalayan. Lucky numbers at color of the day ang 4-9-11-36 at green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisimula ngayon. Makakatagpo ng bagong kakilala sa dadaluhang pagtitipon. Sa mga walang asawa, ang sobrang pagpapahalaga sa minamahal ay maghahatid ng kalungkutan. Lucky numbers at color of the day ang 5-13-23-41 at royal blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Dahil sa kaabalahan sa pinapasukan, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit na dapat iwasan. Hinahon at katiwasayan ng pag-iisip ang dapat ipairal. Ang pagri-relax o pamamasyal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color of the day ang 10-12-36-34 at aquamarine.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Isang dayuhan ang mapapalapit sa puso. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May babalang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 11-21-31-42 at ruby red.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa kalooban. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan nang matapat at magandang kalooban. Kapupulutan ng magandang aral ang maririnig sa mga nakatatanda. Lucky numbers at color of the day ang 4-16-23-42 at mustard yellow.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Malulutas ang suliraning bumabagabag sa sarili. Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Mapalad ang makipagtransaksyon ngayon sa negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 11-13-25-27 at white.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Ang patuloy na pagsisikap ay magiging daan upang maisakatuparan ang mga binabalak at hinahangad. Ang pakikipag-ugnayan sa sulat, telepono o anumang uri ng komunikasyon ay mahalaga ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-20-24 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Malamang makakilala ng isang mayamang balo na mag-aalay ng pag-ibig. Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit. Walang balakid na maisasakatuparan ang mga lakarin. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-22-42 at marine blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Lumalandas patungo sa katuparan ang mga pangarap. Ang bagabag, kalungkutan o katamlayan ay mahahalinhan ng kaligayahan. Makakabuting kumilos agad bago mahuli ang lahat. Lucky numbers at color of the day ang 9-22-30-34 at lavander.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
May ilang taong nagnanais gamitin ka sa pansarili nilang interes. Ang di-pagkakasundo ng mga ideya ay siyang magbibigay ng kalungkutan at katamlayan. Lucky numbers at color of the day ang 10-14-33-40 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IWASANG

LAWAKAN

LUCKY

MAPALAD

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with